Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.


Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata. Marami ang nagtatrabaho ng mabuti sa

Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
“Wag ma-pride, mag-sorry.” Doug Kramer gives tips to husbands for a long-lasting, happy relationship with their wives.
Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.

May be an image of one or more people and text

Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.

Marami ang nagtatrabaho ng mabuti sa ibang bansa upang makapagbigay ng magandang buhay sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. Ang iba naman ay upang makapagpundar ng bahay o negosyo balang araw. Ano man ang dahilan ng mga Overseas Filipino Workers o OFW na magtrabaho sa ibang bansa, ay tunay na may bahid ng lungkot at pagkangulila ang mga ito. Sila ay bayani na mismo sa paningin at sa puso ng kanilang pamilya.

Samantala, isang OFW mula Toronto, Canada ang hinirang na bayani, hindi lamang ng kanyang pamilya kundi pati ng kanyang mga amo at mga tao na nakarinig ng kanyang kwento.

Bagamat puno ang katawan ng medical paraphernalia, nakangiting kumaway si Jillian sa camera. Si Jillian Mendoza ay isang nanny sa dalawang anak ng kanyang amo. Bata pa ang mga ito,  nasa edad dalawa at limang taong gulang.

Naglalakad si Jillian sa sidewalk sa St. Clair Ave. W. malapit sa Dufferin Street, kasama ang dalawang alagang bata na nasa stroller noong February 24. Sa hindi inaasahang pangyayari, ay biglang may rumagasang SUV ang papunta sa kanila. Nasa aktong magpa-parallel park umano ang kotse at papa-reverse na, nang bigla na lamang ito dumiretso sa sidewalk, diretso kina Jillian. Sa bilis ng pangyayari ay nagawa pa rin ni Jillian i-tulak ang stroller palayo upang maligtas ang mga alaga niya. Subalit hindi na nakatakbo si Jillian papalayo, at sinalo ang impact ng paparating na kotse.

Agad namang rumesponde ang mga rescuers at sinagip si Jillian na naipit sa ilaliman ng SUV. Nagtamo ito ng maraming injuries at kinakailangan operahan. Sa ngayon ay tatlong operasyon na ang pinagdaanan ni Jillian, ngunit marami pa umano ang kailangan nitong harapin na operasyon.

Labis-labis ang pasasalamat ng kanyang amo, at tinaguriang ‘bayani’ si Jillian. Napag-alaman na nagiisang breadwinner si Jillian para sa kanyang anak na babae at mga magulang. Bagamat napuno ng pag-aalala ang mga ito para kay Jillian ay proud sila sa kabayanihang ginawa nito sa dayuhang bansa. Isang GoFundMe fundraiser ang itinayo para sa kay Jillian upang makatulong sa kanyang recovery na umaabot na sa halagang $165,200 o halos P8 Million. Nawa ay gumaling na ang heroic-nanny na mula sa bansang Pilipinas.

COMMENTS