Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya.


Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya. Tunay nahindi mahuhula

Derek Ramsey, may pagbabalik tanaw patungkol sa kanyang mga exe’s na sina Andrea Torres at Angelica Panganiban. Ano naman kaya ito?
Loyal Kapamilya Stars who have been with ABS-CBN for decades
Angelica Panganiban, ipinakilala na sa publiko ang nobyo nitong non-showbiz.

May be a closeup of 4 people

Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya.

Tunay nahindi mahuhulaan ang takbo ng mundo, may mga pangyayari na sadyang hindi inaasahan at malungkot malaman ngunit bumabawi naman ang tadhana para magbigay ng saya sa buhay. Datapwat hindi lumaki sa kanilang biological family ang ilan sa mga sikat na artista na ito, ay nakatagpo naman ng pamilyang nagbigay pagmamahal at nagaruga sa kanila. Kilalanin ang mga artista na nakamit ang tagumpay sa showbiz sa suporta ng kanilang foster parents.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

  1. Jennylyn Mercado

Isa sa mga sikat na kapuso actress si Jennylyn Mercado at hanggang ngayon ay tinitingala ng marami, di lamang sa angkin niyang talento sa pag-arte kundi pati na rin sa mabuting kalooban nito. Siya ang 6-months old nang iwan ng kanyang tunay na magulang at pinalaki ng mapagmahal niyang ‘Mommy Lydia’. Ang tunay na ina ni Jennylyn ay malayong kamay-anak ni Mommy Lydia kaya naman ay magkakilala ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

  1. Angelica Panganiban

Kinuwento ni Angelica sa isang panayam na matagal na nito umanong pinaghihinalaan na ampon siya. Dahil na rin malayo ang kanyang hitsura sa kanyang mga kapatid at sa kanyang kinikilalang Ina na si Mommy Melani.

Hindi nagtagal ay ibinahagi ni Mommy Melani sa kanya ang mga detalye kung papaano nito nakilala si Angelica at kinukopkop bilang tunay na anak. Bagamat alam ni Angelica na ampon siya ay naging kontento na ito sa pagmamahal ng kanyang pamilya at hindi na hinanap ang kanyang tunay na magulang. Tila naging mapaglaro ang tadhana, at nalaman ng kapamilya actress na namatay na umano ang tunay nitong Ina. Dahil rito at hinanap ni Angelica ang tunay niyang Ama. Dumating nag panahon ay nakilala rin niya ang kanyang biological father na si Mark Charlson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

  1. Angeline Quinto

Napunta sa hindi maayos na pagsasama ang mga magulang ni Angeline Quinto na si Rosemarie Mabao at Pop Quiros. Nagkaroon ng abusive tendensies ang dalawa at minabuti na lamang ng tiyahin niyang si “Mama Bob” na siya na ang magpalaki kay Angeline. Simula bata pa lamang si Angeline ay pinalaki na siya ni Mama Bob at tinuring siyang parang sarili nitong anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

  1. Ai Ai de las Alas

Sikat na komedyante si Ai Ai ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ay hindi lumaki si Ai Ai sa piling ng kanyang tunay na mga magulang ang aktress. Dumaan sa matinding paghihirap ang mga magulang ni Ai Ai kaya nagawa nilang ipa-adopt si Ai Ai sa tiyahin nito kung saan ay mabibigyan siya ng magandang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)

  1. Lotlot De Leon

Si Lotlot ay inampon ng sikat na artista na sila Nora Aunor at si Christopher de Leon. Bagamat alam ni Lotlot na ampon siya ng mga ito, hindi naman nagkulang ang kanyang magulang na magpakita ng pagmamahal sa kaniya. Nagawa rin ni Lotlot kilalanin ang kanyang tunay na magulang na si Donald Olson at Eva Rodriguez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

  1. Vicki Belo

Inaruga na parang tunay na anak si Dra. Vicki Belo ng mag-asawang si Enrique Belo at Nena Gonzales na siyang tiya ni Dra. Vicki. Ayon sa kwento ng buhay nito, nakaranas umano ito ng pangbubullly noong bata pa ito at madalas siyang tawaging mataba at pangit. Ito ang ginawang motivation ni Dra. Belo kaya nito nakamit ang tagumpay na magkaroon ng beauty clinic empire.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

  1. Mark Herras

Si Mark ay lumaki sa piling ng kanyang gay foster parents na si Jun Herras at Herminigildo Santos. Proud siya sa kanyang kinikilalang magulang dahil inaruga siya ng mga ito simula nang 5-taong gulang pa lamang siya.

 

Nakakabilib ang tagumpay na nakamit ng mga artistang ito at hindi nila ikinakahiya, bagamat proud ang mga ito sa kanilang pamilya dahil mapalad sila na mahalin ng kanilang foster family ng parang tunay na anak.

COMMENTS