“Pagganap ng Pinoy actress na si Chai Fonacier sa isang International Film na “Nocebo” nagpahanga sa maraming netizen”


“Pagganap ng Pinoy actress na si Chai Fonacier sa isang International Film na “Nocebo” nagpahanga sa maraming netizen” Isa na namang Pilipino a

Ang unica hija ni Dawn Zulueta na si Ayisha, kapansin-pansin ang kagandahan na may potensyal na maging isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz!
Mga Pinoy Celebrities na may nakakabilib ang transformation noong 2020.
ALAMIN: Liza Soberano aalis na sa poder ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, at magiging bagong talent manager na si James Reid?

May be an image of 3 people and people standing

“Pagganap ng Pinoy actress na si Chai Fonacier sa isang International Film na “Nocebo” nagpahanga sa maraming netizen”

Isa na namang Pilipino ang nagpahanga sa madaming netizen at ito ay si Chai Fonacier, isang singer na naging aktres nadin. Siya ay dating kalahok sa Pinoy Dream Academy Season 1. Ilan sa kanyang mga proyekto ay ang Patay na si Hesus, Respeto at ang Tv Film adaptation ng Born Beautiful. Ginawaran din siya bilang best supporting actress sa kanyang pagganap sa Patay na si Hesus, sa Operation Butas at ang Miss Bulalacao.

At ngayon nga ay napabilang si Chai Fonacier sa isang International Movie scene. Kasama ang artistang sina Eva Green at Mark Strong na magbibida sa nasabing pelikula. Si Chai Fonacier ay parte ng psychological triller Nocebo. Maraming Kababayan natin ang nagpakita ng pagsuporta at pananabik sa pelikulang ito ni Chai Fonacier. Sila ay sobrang proud sa narating na ito ni Fonacier.

Ilan sa mga ito ay ang kaniyang kaibigan na si @ryanmacasero na nagsabi na umiyak daw talaga siya nung malaman niyang napasama ang kaibigan nyang si Fonacier sa proyektong ito dahil alam daw talaga niya ang pinagdaanan ng kaibigan bago pa makilala sa ibat- ibang bansa.

Ayon naman kay @ianurrutia na dating katrabaho ni fonacier ito daw ay professional at masayang katrabaho. At isang dream come true daw ito sa kaibigan. Nagbigay din ng mensahe ang isa sa mga sumulat ng scene sa pelikula na si @reinedebatons wika pa niya excited na daw siyang makita si chai umarte kasama ang betiranang aktres na si Eva Green.

Sa pelikulang ito si Eva Green ay gaganap bilang isang Fashion designer na magkakaroon ng kakaibang sakit na siyang magiging dahilan ng pagkadismaya ng kanyang asawa na gaganapan ni Mark Strong. Si Chai Fonacier ang gaganap bilang Filipina Care giver na tutulong kay Eva upang gumaling sa kanyang sakit sa pamamagitan ng mga sinaunang gamit sa panggagamot.

Ang International film ay gaganapin sa pagitan ng London at Manila. Dinirektor ni lorgan finnegan’s at isinulat ni Garret Shanley’s. Si Emily Leo, Brunella Cocchiglia, Bianca Balbuena at Bradly Liew ang producer ng nasabing proyekto.

 

COMMENTS