Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang ‘Trudis liit’, ito na pala ang buhay niya ngayon.


📷image sources: ABS-CBN & Agatha Tapan-Galiza Facebook Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang 'Trudis liit', ito na pala ang

Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!
“Wag ma-pride, mag-sorry.” Doug Kramer gives tips to husbands for a long-lasting, happy relationship with their wives.
Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo.

📷image sources: ABS-CBN & Agatha Tapan-Galiza Facebook

Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang ‘Trudis liit’, ito na pala ang buhay niya ngayon.

Marami sa mga artista ang nagnanais na mamayagpag ang kanilang karera hanggang dulo, at mayroon din namang ilan na mas pinipiling iwanan ito at mamuhay ng normal na walang kamera na nakasubaybay sa kanila. Katulad nalang ng dating aktres na si Agatha Tapan.

📷credit: ABS-CBN

Maganda ang takbo ng career ng batang aktres na si Agatha Tapan noon isa siya sa mapalad na nabigyan ng role noong 1990 sa seryeng Mara Clara na pinagbidahan nila Judy ann Santos at Gladys Reyes. Matatandaan na ang seryeng ito ay isa sa pinaka nagtagal na serye ng ABS-CBN network. Si Agatha ay gumanap bilang batang denise sa seryeng ito. At dahil nga sa seryeng Mara Clara ay nakita ang galing ni Agatha sa pag arte na siya namang dahilan ng lalong pagganda ng career niya sa showbiz.

Agatha Tapan – Sineskwela 📷credit: ABS-CBN

Napasama din si Agatha Tapan sa pelikulang Trudis liit at Mr. Barumbado noong taong 1996. At napasama din siya sa seryeng Once upon a time noong 1997. Ngunit sa kabila ng magandang karera nito ay nagawa padin ng batang aktres na iwan ang showbiz sa walang sabing kadahilanan. Ultimo ang mga kasama nyang artista ay hindi alam kung bakit bigla nalang ito nawala sa showbiz. May ilan na man na nagsabi na tumigil ito sa pag aartista upang magfocus sa kanyang pag aaral.

📷credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Naging bukas naman sa publiko ang social media ng dating batang aktres na si Agatha Tapan katulad ng kanyang facebook account kung saan makikita ang detalye ng kanyang sitwasyon ng buhay ngayon.

At Nito nga lang ay naglabas ng bagong artikulo ang Pep (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa buhay na ngayon ni Agatha Tapan at dun makikita na mayroon nang sariling pamilya ang dating batang aktres. Ikinasal siya noong 2015 sa asawang si Romel Galiza. At mayroon nadin siyang napaka cute na anak ngayon, na makikita ang mga larawan na lagi niyang pinopost sa facebook.

📷credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Nakapagtapos din ng pag aaral si Agatha Tapan sa kursong AB Communication sa De La Salle University sa Dasmarinas Cavite. Nagtatrabaho nadin ang dating batang aktres ngayon bilang FWD Financial Wealth Planner. At isa na ring Business Development Analyst sa ANC.

📷credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Maaga mang iniwan ni Agatha Tapan ang mundo ng showbiz makikita naman sa dating aktres ang kasiyahan sa napili nitong tahaking landas. Isang simpleng may bahay at ina sa kanyang anak. Pinatunayan lang ni Agatha na hindi lang pagiging kilala sa industriya ang makakapagpasaya sa tao marami pang paraan upang makahanap ng tunay na kaligayahan at isa na nga doon ang pagiwan sa showbiz at mamuhay na lamang ng simple at payapa.

COMMENTS