Mga parking lot sa subdivision na ito, hindi lang kotse ang naka-park kundi, eroplano rin.


Mga parking lot sa subdivision na ito, hindi lang kotse ang naka-park kundi, eroplano rin. Tuwing nagpapatayo ng bahay ay pinaglalaanan ng espa

17-year old scientist interns at NASA and discovers a planet on his 3rd day.
17-year-old Filipina-American singer Olivia Rodrigo stands on top of Spotify Music Charts, Apple Music and U.S. iTunes
Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya?
Cameron Airpark

📷image source: Insider / Daniel Kurywchak

Mga parking lot sa subdivision na ito, hindi lang kotse ang naka-park kundi, eroplano rin.

Tuwing nagpapatayo ng bahay ay pinaglalaanan ng espasyo ang mga kotse ng may-ari. Minsan ay folding na gate ang pinipili ng mga may-ari upang ma maximize ang kanilang garahe at maparkingan ng kotse. Subalit sa ibang lugar, ay hindi lamang kotse, motorsiklo o bike ang nakapark sa garahe ng mga bahay nila kundi mga eroplano rin.

Ang lugar na ito ay matatagpuan sa California, sa Cameron Airpark Estates. Ito ay lugar na sadyang pinalaki ang mga kalsada upang makadaan ang private planes ng mga residente. Ang mga daanan rito ay mas malapad umano kaysa sa regular na Air plane runway dahil dinesenyo ito upang makadaan ang kotse at eroplano. Itinayo para sa mga piloto o mahilig magpalipad ng eroplano ang lugar na ito at malapit ito sa Airport.

Airpark skitch

📷image source: Cameron Airport/ Insider

Kung sanay tayong makakita ng kotse sa kalsada, sa lugar na ito ay normal na normal sa kanila ang mga eroplanong dadaan sa tapat ng bahay nila. Bagamat mayroon nang iba’t ibang residential airpark subdivisions sa mundo, sinasabing ang Cameron Airpark ang may pinakamagandang tirahan.

Cameron Airpark Estates.

📷image source: Insider / Daniel Kurywchak

Ang mga karatula sa kalye katulad ng speed limit o pangalan ng kalsada, pati na rin ang mga mailbox ng bawat bahay ay itinayo ng mas mababa pa sa 3 Feet upang hindi ito matamaan ng mga pakpak ng eroplano.

Cameron Airpark

📷image source: Insider / Daniel Kurywchak

Katulad ng mga remote controlled na garahe o garage doors, ang mga bahay sa lugar na ito ay ganoon rin ngunit para sa kanilang mga eroplano. Malalapad ang garahe sa bawat bahay at malalaki ang espasyo kung saan magkakasya ang eroplano.

Upang iwas traffic at iwas hasle, ang mga residente sa lugar na ito ay pumupunta ng trabaho nila nang naka eroplano. Ayon sa isang residente at mechanical engineer na si Burl Skaggs, hobby lamang niya umano ang pagpapalipad ng eroplano ngunit ginagamit nya ang maliit niyang eroplano tuwing papasok sa trabaho.

Bagamat, ganoon ka ganda ang lugar ay napakahirap umano makabili ng bahay rito. Sa pagkukwento ng president ng ‘Friends of Cameron Park Airport’ na si Daniel Kurywchak, ay kinakailangan mo pang antayin na may mamatay o umalis sa lugar upang makabili ng bahay rito. Kakaunti lamang umano ang bahay sa residential area at hindi pare-pareho ang disenyo. Bawat bahay ay iba-iba ang hitsura base sa style na gusto ng may-ari. Tunay na masarap tumira sa ganito kagandang lugar lalo na’t pare-pareho ang interests at hobby ng mga taga rito.

COMMENTS