Pakulo ng balot vendor sa Cebu, nakaka-goodbye Philippines nga ba?


Pakulo ng balot vendor sa Cebu, nakaka-goodbye Philippines nga ba? Kaakibat ng isang matagumpay na negosyo ang pagkakaroon ng iba’t ibang pakul

Risa Hontiveros, iginiit na dapat mas maigi umano na isang education expert ang maging susunod na DepEd Secretary!
Ito ang nangyari sa isang birthday celebrant nang pabiro itong isinubsob sa kanyang birthday cake!
Not all Queens wear crowns: Hidilyn Diaz, naguwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.
No photo description available.

📷image credit: Shabey Villarante Facebook

Pakulo ng balot vendor sa Cebu, nakaka-goodbye Philippines nga ba?

Kaakibat ng isang matagumpay na negosyo ang pagkakaroon ng iba’t ibang pakulo upang mas lalong mapansin ito ng mga tao o ganahan ang mga tao bumili ng kanilang produkto. Ito ang pangunahing ginagawa ng mga matagumpay na negosyo tulad ng Mang Inasal na nagpatupad ng unli rice, o ng KFC sa kanilang unli gravy. Gayunpaman, importante na maalala ng mga konsumer ang benepisyo o panganib ng ikokonsumong produkto.

📷image credit: Shabey Villarante Facebook

Isang nagtitinda ng balot sa Cebu ang nakaisip ng pakulo para sa kanyang negosyo. Ang balot o “fertilized egg” ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Marami na rin ang mga dayuhan na natikman ang balut, at nagustuhan ang lasa nito. Bagamat may iba ring banyaga ang hindi kinaya ang balut, ay kilala na rin ang pagkain na ito sa buong mundo. Maaaring isawsaw sa suka o lagyan ng asin, masarap ang balot kapag kinakain ng buo. Madalas na mabibili ito sa gabi at sinasabing pampalakas umano ng tuhod.

📷image credit: Shabey Villarante Facebook

Tulad ng pagpapatupad ng ibang kainan ng “unli” o “eat-all-you-can” ay ginaya ng isang balot vendor sa Cebu ang pakulo para sa kanyang paninda. Inaalok nito ang promo na ‘unli balut’ sa halagang P100. Bagamat may ibang mga suki niya ang pinakyaw ang kanyang promo ay may ilan na umatras dahil sa taas ng cholesterol ng pagkaing ito.

📷image credit: Shabey Villarante Facebook

Ang balot ay nagtataglay rin ng sustansya na kailangan ng ating katawan. Ito ay mataas rin sa protina na ginagamit ng katawan natin upang ayusin o magrepair ng ating mga muscles at buto. Ito ay may Iron na kailangan ng ating dugo upang makapagdistribute ng oxygen sa atin katawan. Nagtataglay rin ito ng calcium, fat at calories rin.

Samantala, ang balot ay isang natural aphrodisiac rin dahil nagbibigay ito ng init sa katawan at hinirang din bilang ‘Filipino Viagra’.

Sa kabilang banda, ito ay mataas sa cholesterol at ang isang balot ay may 359 mg nito. Ang nirerekomenda ng health specialists na intake ng cholesterol ay 300 mg lamang sa isang araw. Kaya naman paalala ng mga netizens ay hinay-hinay lamang sa pagkain ng delicacy na ito. Maaaring huwag na lamang kainin ang yolk o ang dilaw na parte ng balot upang masulit ang unli-balot offer sa Cebu.

Tiyak nga bang mapapa-goodbye Philippines ka sa pagkain ng maraming balot? Oo, dahil pag tumaas ang iyong cholesterol ay maaaring magtungo sa cardiovascular disease ito tulad ng stroke o heart attack. Tinatawag na ‘putok-batok’ ang balot dahil rito.

COMMENTS