Top-nocher ng dalawang beses sa board exam ang isang lalaki na tunay nagpahanga sa netizens!


Top-nocher ng dalawang beses sa board exam ang isang lalaki na tunay nagpahanga sa netizens! Wala na atang paglalagyan ng kasiyahan ang isa

Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.
Kahanga-hangang Doktor, piniling iligtas ang kanyang pasyente kaysa makapiling ang Ama sa mga huling sandali nito.
Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!
No photo description available.
Top-nocher ng dalawang beses sa board exam ang isang lalaki na tunay nagpahanga sa netizens!
Wala na atang paglalagyan ng kasiyahan ang isang studyante kapag siya ay nakatapos ng kursong ninanais at naging lisensyado sa kinuhang propesyon. Ngunit paano kung ikaw ay hirangin pang topnocher sa pagkuha ng board exam?
Ating kilalanin si Jomel Lapides siya ay 29 na taong gulang at graduate sa UP Manila. Tiyak na naguumapaw pa ang kaligayahan ni Jomel ngayon pagkatapos siyang hirangin bilang topnocher sa pagkuha ng board exam ng pagiging physician. Nito lamang araw ng Huwebes Inanunsyo ng PRC (Professional Regulation Commision) na muli ngang nasungkit ni lapides ang pagiging topnocher sa pagkuha ng board exam sa pagiging Doctor. Siyam na taon na ang nakalipas ng nakuha din ni Lapides ang mataas na average sa board sa pagiging nurse naman.
Ayon sa PRC mahigit 75 percent o sa bilang na 4,704 na kumuha ng board exam 3,538 ang pumasa sa kabila ng pandemya sa corona virus. Nakuha ni Lapides ang score na 88.67 percent na sinundan ni Patrick Joseph Mabugat (University of Saint La Salle). At Adrian Emmanuel Teves (University of Santo Tomas) na nakakuha ng 88.58 percent; Si Tiffany Uy (UP), Hannah Chito (UP) at Chino Paolo Samson (Lyceum Northwestern University-Dagupan City, 88.08 percent.
Si Mabugat at Teves ang nakakuha ng mataas na average noong 2014 na board exams sa medical technologists at physical therapists. Pinanghahawakan naman ni Uy ang record sa pagkakakuha ng pinakamataas na average sa UP Diliman’s postwar history na mayroong general weighted average na 1.004 nung siya ay grumaduate bilang summa cum laude noong 2015 sa kursong Bachelor of Science in Biology.
Ang resulta ng exam ay inilabas ilang araw matapos ang mga huling araw ng exam na ginanap sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao and Zamboanga. Ang Cebu Institute of Medicine (CIM) sa Cebu City ang nangunguna sa mga school dahil sa 138 takers nito na nakapasa sa board. Sinundan ito ng UP (98.63 percent), Ateneo School of Medicine and Public Health (98.6 percent), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila or PLM (97.58 percent) at UST (95.61 percent).
Ang board trustee at ang former dean ng CIM na si Dr. Thelma La Rosa–Fernandez ay hindi na daw nagulat sa naging resulta ng exam. Dahil daw sa pagpupursugi ng kanilang administration at mga studyante ay muli daw silang nagtagumpay. Sa loob nga daw ng 13 taon ay mayroon daw silang 100 percent na takers na nakakapasa ng exam. At ang tingin niyang dahilan nito ay ang paraan nila ng pagtuturo sakanilang mga studyante. Ang magaling nilang faculty at ang buhos na suporta sakanila ng administration.
Si Lapides ay mula lamang sa simpleng pamumuhay kung saan ang kaniyang ama ay isang karpintero na pinagkakasya ang maliit na sahod para sa kanilang mga gastusin. Panganay sa magkakapatid si Lapides kaya naman pinangako niya sa kanyang mga magulang na tutulong siya sa gastusin sa bahay at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang pag aaral at kaya na niya iyong tustusan.
Nang matapos nga ang Nursing board exam ni lapides siya ay bumalik sa UP Philippine General Hospital noong 2012 at nagtrabaho bilang staff nurse sa Sentro Oftalmologico Jose Rizal na isang Department of Ophthalmology and Visual Sciences.
Pwedeng pwede nga daw siya maging nurse sa ibang bansa at sumahod ng sampung beses na mas mataas kaysa dito sa Pilipinas ngunit mas pinili niyang manatili at magtrabaho dito bilang nurse sapagkat alam niyang mas kailangan siya ng kanyang mga kababayan. Wika pa niya” Gusto ko lang naman magsilbi sa ating mamamayan pero dumating ang opurtunidad na tapusin ko ang pag me-medisina noong 2015. Kaya napagdesisyunan ko nang ituloy yun. Naisip ko kasi kung magiging doctor na ako mas marami akong matutulungang tao sa pamamagitan ng paggamit sa akin ng Diyos bilang instrumento sa pagpapagaling ng mga may sakit.”
Hindi parin nga daw makapaniwala si Lapides sa kinalabasan ng exam sapagkat pinagdarasal lang daw nila na kahit makapasok siya sa Top 10 pero sobra sobra ang binigay ni Lord at siya pa ang naging Topnocher sa nasabing board exam. Kaya napakalaking blessing daw ito para sa binata.
Nang matanong si Lapides kung anong sikreto nya sa pagiging Topnocher matipid niyang sinabi na “Time Management” at dasal lang umano ang kailangan. Pinaglalaanan daw talaga niya ng oras ang pag aaral para sa ganun ay may oras pa siya para sa ibang mga bagay. Umpisa pa lang din daw ng taon ay nagumpisa na siyang magbasa ng mga libro upang magbalik aral sakanyang mga inaral noong nasa med school siya. At unti-unti daw ay bumabalik na sakanya ang kanyang mga inaral. Tinulungan din daw siya ng kanyang girlfriend sa pagrereview na graduate din ng Medicine sa PLM at board exam passer din.
At habang naghihintay nga ang binata ng kanyang lisensya sa pagiging doktor ay naghahanda nga daw siya upang bumalik sa PGH ophthalmology department para dun na mamalagi. Saad pa niya “ Kelangan ako dito, Sabi nga nila pwede padin naman daw ako makapagbigay ng serbisyo o tulong kahit nasa ibang bansa pero sa aking palagay ito ang plano ng diyos sa akin ang pagsilbihan ko ang mamamayang pilipino.

COMMENTS