Jinkee Pacquiao, ipinakita ang napakagandang hardin na nagpamangha sa netizens at sikat na Landscape Artist umano ang nagdisenyo!


Jinkee Pacquiao, ipinakita ang napakagandang hardin na nagpamangha sa netizens at sikat na Landscape Artist umano ang nagdisenyo! Nito ngan

Judy Ann Santos, ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng luxury bags.
Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.
Stef Prescott, ibinahagi ang kanyang fitness journey at marami ang bumilib sa naging weight loss transformation nito!
May be an image of 3 people and people standing
Jinkee Pacquiao, ipinakita ang napakagandang hardin na nagpamangha sa netizens at sikat na Landscape Artist umano ang nagdisenyo!
Nito ngang dumaan na lockdown at pandemya sa ating bansa ay isa sa mga naging libangan ng maraming pinoy ang pag-aalaga ng halaman na siyang nakakatulong umano makatanggal ng stress kabilang pala dito ang asawa ni Sen. Manny Pacquiao na si Ms.Jinkee Pacquiao na isang certified plantita din.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Si Jinkee Pacquiao ay isa sa popular na personalidad sa showbiz siya ay may bahay ni Boxing Champ Sen. Manny Pacquiao. Nito nga lang ay nagviral sa social media ang hardin ni Jinkee Pacquiao dahil sa napakarami nitong halaman na halos mapuno na ang kanilang bakuran. Namangha din ang maraming netizen sa ganda ng pagkakaayos ng kanyang mga halaman sa kanilang hardin na itinuturing niya ngang mga “baby plants “.
Sa kuhang mga larawan ay masasabi ngang isang eksperto sa paghahalaman at paglalandscaping ang may gawa nito sa hardin ni Jinkee Pacquiao. Maayos at maaliwalas ang ang pagkakaayos ng mga tanim ni Jinkee sa kanilang hardin na talaga namang kung sino man ang makakakita nito ay tunay na mamamangha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Ang kakambal ni Jinkee na si Janet ang nagpakilala sa mahusay na si Roy sa mag asawang Manny at Jinkee Pacquiao . At dahil nga duon ay kinuha na nila itong maging landscape artist nila. Una ngang nasubukan ang galing ni Roy ng ipare- design ng magasawa ang kanilang hardin sa Mansion 2, sa General Santos City taong 2012.
Tunay ngang pinahanga nil Roy Bacalso ang mag-asawa dahilan kayat hanggang ngayon ay siya parin ang inaasahan ng dalawa pagdating sa padedesinyo ng kanilang hardin. Si Roy ay 42 taong gulang na at talagang masasabi nang eksperto sa pagla-landscaping sapagkat 10 taon na pala nya itong ikinabubuhay. Siya ay nagtrabaho sa Green Style Landscape and Design sa General Santos City ang lugar na pinagmulan ni Sen. Manny Pacquiao.
Ibinihagi ni Roy sa instagram sa pamamagitan ng direct message sa PEP.ph na mismo ang dalawang mag asawa ang nagtatrabaho saknilang hardin. Onhand ang mag asawa sa pag aalaga ng kanilang mga tanim.
Ibinulgar din ni Roy na may isang napakabihira siyang halaman na ibinigay sa mag asawa na inilagay niya sa hardin ng mga ito. Ito ay ang Variegated Alocasia elephant ear na may halagang P25,000. Bihira lang umano ang halamang ganun kaya pinili niya daw na mailagay iyon sa hardin ng mag asawa.
Dagdag pa niya ay hindi daw lahat ng ginawa niya sa hardin ay ideya niya sapagkat may mga request din daw si jinkee katulad ng flower plants o bonsai upang mas lalong gumanda ang kaniyang hardin. Sila daw talaga ni jinkee ang hindi nauubusan ng ideya pagdating sa pagdidesenyo.

COMMENTS