Glow-up ng isang babaeng iniwan at madalas saktan ang kanyang mister noon, OFW na ngayon at mala-diyosa na ang ganda!


Glow-up ng isang babaeng iniwan at madalas saktan ang kanyang mister noon, OFW na ngayon at mala-diyosa na ang ganda! Madalas na ipakita sa pel

Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito.
Natustusan ng isang binatilyo ang kanyang pagaaral sa pagiging jeepney driver noon.
Mahirap lang noon, pero artista na ngayon! Alamin ang mga dati nilang trabaho bago sumikat.

No photo description available.

Glow-up ng isang babaeng iniwan at madalas saktan ang kanyang mister noon, OFW na ngayon at mala-diyosa na ang ganda!

Madalas na ipakita sa pelikula ay ang mga happily ever after ng mga bida na nauuwi sa kasalan. Ito ang mga perception ng pag-ibig na ipinapakita nila sa mga tao. Subalit, lahat nga ba ng pagiibigan ay may happily ever after?

📷Image source: OFW Secret Files/Facebook

Marami sa ating mga kababayan ang nakaranas ng pagmamaltrato ng kanilang mga asawa, mapa-babae man o mapa-lalaki. Nakakalungkot man isipin ngunit hindi lahat ng mag-asawa ay may mapayapa na pagsasama kahit nagsimula man sa pagiibigan ang lahat.

Isang babae ang nakaranas ng pananakit sa kanyang asawa. Ibinahagi niya ang kanyang kwento sa social media na siya namang nagviral agad dahil sa paghanga ng mga netizens sa pagahon nito sa buhay sa kabila ng mapait na nakaraan.

Ipinakita ng netizen na si Michelle Valenzuela ang kanyang litrato noong nasa Pilipinas kasama ang kanyang mga anak at ang kanyang litrato nang nasa ibang bansa na ito upang magtrabaho.

Napakalaki ng pagbabago ni Michelle na halos hindi mo aakalain na siya ang nasa litrato. Pagko-kwento ni Michelle, noong mga panahon umano na nasa Pilipinas siya ay hindi niya maalagaan ang sarili dahil maliban sa buntis siya at gumagawa ng gawaing bahay ay nagaalaga din siya ng anim niyang anak. Ang kanyang mister naman ay mahilig magsugal at uminom ng alak kaya naman ay wala siyang katuwang sa pag-aalaga sa kanyang anak. Ayon rin dito ay sinasaktan siya umano ng kanyang mister at nagdadala ng ibang babae sa kanilang bahay. Humantong sa pangyayari na pinalayas siya umano ng kanyang mister sa mismong bahay nila. Kaya naman ay umuwi na lamang si Michelle sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mga anak.

Dahil sa hirap ng buhay ay nagsumikap si Michelle na makapagtrabaho sa ibang bansa. Pinalad at nagpursige ito sa ibang bansa upang kumita ng pera. Sa kabila ng pangungulila sa mga anak ay nagawa nitong makapagtrabaho ng pitong taon sa ibang bansa, at nang matapos ang kanyang kontrata ay balak na niyang umuwi sa Pilipinas.

Sa kabila ng mapait na nakaraan ay gumanda at nag-glow up si Michelle at hindi mo aakalain na may anim na anak na pala siya. Maganda, at asensado na si Michelle kaya naman ay hinahangaan ito ngayon ng karamihan sa ating kababayan.

COMMENTS