MAPUA student na nagwagi ng P1.9 M dahil sa kanyang imbensyon na gawa sa ‘basura’, pinarangalan!


MAPUA student na nagwagi ng P1.9 M dahil sa kanyang imbensyon na gawa sa 'basura', pinarangalan! Tunay ngang kahanga hanga ang mga

Epic Fail ang sorpresa ng magjowang LDR sa isa’t isa, at nagviral dahil sa nakakatawang resulta nito.
Mapapa ‘sana-all’ kayo sa seaman na ito na proud ipinangalandakan sa mundo ang kanyang gorgeous plus size girlfriend.
Airport Guard who could not even afford lunch, returns half a million worth of cash found
May be an image of indoor

📷Image Source: DYSON/Esquire

MAPUA student na nagwagi ng P1.9 M dahil sa kanyang imbensyon na gawa sa ‘basura’, pinarangalan!
Tunay ngang kahanga hanga ang mga Pilipino. Napakapalad na mabigyan ka ng isang talento na talagang kakaiba at hahangaan ng marami. Tulad nalang ni Carvey Ehren Maigue.
Si Carvey Ehren Maigue ay 21 taong gulang isa siyang studyante sa MAPUA University na kumukuha ng kursong BS Electrical Engineering. Si Carvey ay naparangalan dahil sa kanyang imbensyon gamit lamang ang mga basura o used crop.
Ayon sa ulat sa naganap na inaugural Sustainability Award of James Dyson Award noong taong 2020 ay mayroong mahigit 1,800 na indibidwal ang lumahok sa nasabing paligsahan. At sa pangalawang pagkakataon nga ay may isa na namang imbentor ang nakagawa ng “renewable energy solution” at itoy walang iba kundi ang studyante nga ng MAPUA na si Carvey. Siya ang bukod tanging nakakuha ng cash price na P1.9 milyong piso.
Ibinahagi nga ni Carvey ang kanyang imbensyon na nagdala sakanya sa tagumpay upang masungkit ang papremyong may malaking halaga. Naimbento niya ang Aurora Renewable Energy and UV Sequestration o Aureus. Ang kanyang imbensyon ay ginagamit upang makahanap ng ultra violet light ang isang devices at pwede itong maconvert sa electricity.

📷Image Source: DYSON/Esquire

Dagdag pa ng binata ay mas may advantage ito sa mga solar panels sapagkat hindi na nito kailangan pang pasikatan sa araw o ibilad katulad ng iba dahil kahit nasaan man ito nakalagay ay kayang kaya nitong humagap ng UV light na maiko convert para maging electricity na siyang magagamit ng marami upang makatipid sa kuryente.
Sa panayam nga sa binata tungkol sa kanyang imbensyon ay naibahagi niya rin ang buhay niya bilang studyante. Wika pa niya na kung yung ibang studyante daw ay apat o limang taon lang sa kolehiyo ay nakakagraduate na siya daw ay halos sampung taon na sakanyang kurso.
Si Carvey ay pahinto-hinto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pangtustos dito. Hindi nga naging madali kay Carvey ang pagiging buhay studyante dahil dumating siya sa puntong kinailangan niyang kumayod para maipagpatuloy ang kanyang pag aaral. At dahil nga sa hirap na pinagdaraanan ay nagawa niyang tumanggap ng prototyping projects at gawin ang projects ng ilang studyante kapalit ng pagbabayad ng mga ito sakanya.
Sa pagkapanalo nga ni Carvey ng 1.9 milyong piso ay mapagpapatuloy na daw niya ang kanyang pag aaral at matatapos na ang kursong kanyang ninanais. Gagamitin daw niya ang ilan sa napanalunan upang makaimbento pa ng iba pang makabagong teknolohiya na makakatulong sa lahat.

COMMENTS