Nakakatawang pangalan ng mga negosyo, kumakalat ngayon sa social media.


Nakakatawang pangalan ng mga negosyo, kumakalat ngayon sa social media. Tunay na maparaan at madiskarte ang mga Pinoy, lalo na kapag hinahaluan

Pakulo ng balot vendor sa Cebu, nakaka-goodbye Philippines nga ba?
Ito ang nangyari sa isang birthday celebrant nang pabiro itong isinubsob sa kanyang birthday cake!
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.

No photo description available.

Nakakatawang pangalan ng mga negosyo, kumakalat ngayon sa social media.

Tunay na maparaan at madiskarte ang mga Pinoy, lalo na kapag hinahaluan na nila ng katatawanan ang mga bagay-bagay. Maraming memes na gawang Pinoy ang patok na patok sa social media, kabilang na rin ang mga negosyong ito na may mga pangalang kakaiba.

Maaaring pakulo nila ito upang makakuha ng customers dahil siguradong mapapangiti ka sa mga pangalang ng businesses na ito.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Pangarap mo bang maging Summa Cum Laude sa inyong eskwelahan? Ba’t di ninyo subukang magpalaba sa Summacum Laundry at para naman matanggal ang nakakatamad na mantsa inyong mga uniporme.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Kung isa ka sa mga mag crush kay ‘Brad Pitt’ na sikat na aktor sa Holywood, magisip-isip ka muna dahil maraming kababaihan ang nakapila rito. Ba’t di mo na lang puntahan ang tindahang, ‘Bread Pit’, tiyak mabubusog ka pa.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Mahilig sa fried chicken pero tamad bumyahe papuntang mall? Pwes, silipin lamang ninyo sa kanto ay maari ninyong makita ang ‘KFC’ o ‘Kanto Fried Chicken’.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Sino ba ang hindi makakalimot sa batang mahilig gumala na si Dora? Sikat na sikat panoorin ng mga kabataan ang mahilig sa adventure na si Dora, ngunit paano kung hindi ito lumalabas ng bahay, siya nga kaya ay magiging si ‘LavanDORA’ na lang?

📷Image source: Feelippines/Facebook

Madalas natin marinig ang salitang ‘sana all’ ngunit narinig na ba ninyo ang tindahang, ‘Sana Mall’?

📷Image source: Feelippines/Facebook

Mahal ngunit sulit sa panlasa ang inumin na Johnnie Walker ngunit paano kung pinagbabawalan ka na ni misis uminom? Ba’t di ninyo subukan ang ‘Johnnie Water’?

📷Image source: Feelippines/Facebook

Sa lahat ng lugar ay nangangailangan ng ‘Rapid Test’ para madaliang testing upang malaman kung ikaw ba ay COVID free. Ngunit paano kung madaling kain? Bisitahin ang ‘Rapid Taste’ para sa mabilisan tikiman.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Naglalaro k ba ng ‘Call of Duty’? Pwes may isang beauty parlor ang naispire sa larong ito ay nagpasya na pangalanan ang negosyo nila ng ‘Call of Beauty’.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Kakaiba talaga ang scenes sa sikat na palabas sa Netflix na ‘Money Heist’, may action, romance at drama. Ngunit paano kung di mo afford ang monthly subscription nito? Ba’t di ka na lang kumain ng “Mani Heist”, tiyak ramdam mo rin ang kakaibang anghang, tamis at alat ng paninda nila.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Isang tindahan ang nagbebenta ng French fries na pinangalanang, ‘Jesus Fries’. Patatas na nabautismuhan sa kumukulong mantika?

📷Image source: Feelippines/Facebook

Minsan na ba ninyong naisip na kung ang isang sikat na singer ay magpasya na magbenta na lamang ng itlog? Mukhang di na ninyo kailangan pagisipan pa ng malalim dahil may isang tindahan ng itlog ang ipinangalan sa isang sikat na singer, ang ‘Egg Sheeran’.

📷Image source: Feelippines/Facebook

Napanood na ba ninyo ang ‘Lord of the Rings’? Pwes may isang tindahan ng manok ang matinik na ipinangalan ang palabas sa kanyang negosyo, ‘Lord of the Wings’. Talagang nakakatuwa ang mga tindahang ito dahil binigyan nila ng twist ang pangalan ng kanilang mga negosyo na siguradong tatatak sa isip ng kanilang mga mamimili.

 

COMMENTS