Kahanga-hangang Doktor, piniling iligtas ang kanyang pasyente kaysa makapiling ang Ama sa mga huling sandali nito.


Kahanga-hangang Doktor, piniling iligtas ang kanyang pasyente kaysa makapiling ang Ama sa mga huling sandali nito. Bagamat dumaraan sa maraming

Man and wife earns P50,000/month for making vlogs about his life in the province.
Batang inabandona noon ng sariling magulang, isa nang matagumpay na Scientist sa Amerika ngayon.
Wowowee dancer noon, ngayo’y Multi-Millionaire businesswoman na!
May be an image of one or more people and people standing

Dr. Zhang Xinzhi.📷image source: tvbs

Kahanga-hangang Doktor, piniling iligtas ang kanyang pasyente kaysa makapiling ang Ama sa mga huling sandali nito.

Bagamat dumaraan sa maraming pagtatalo ay tunay na nananaig ang pagmamahal natin sa ating mga magulang. Ngunit di maiiwasan na mayroong mga pagsubok na dumarating at napipilitan tayo mamili kung ano ang tamang gawin at ano ang gusto nating gawin. Wala nang papantay sa  pagmamahal ng ating mga magulang kaya naman ay mahirap na mawala sila sa piling natin.

Isang doktor mula Anhui, China ang umani ng sympatiya sa mga katrabaho nito at sa mga netizens matapos nito humarap sa isang napakahirap na desisyon sa buhay nito.

Sa mga panahong iyon ay nalalapit na ang mga sandali ng pagpanaw ang ama ni Dr. Zhang Xinzhi. Habang kasama ang kanyang ama ay nakatanggap ng tawag ang doktor mula sa hospital na pinagta-trabahuan nito. Mayroon umanong pasyente na kinakailangan na operahan dahil nasa kritikal na kondisyon ito. Kinakailangan umano niyang pumunta agad upang maligtas ang pasyente.

📷image source: tvbs

Mahirap man sa loob ng doktor ay pinili niyang iwan ang ama sa mga huling sandal nito. Makikita na nangibabaw ang sense of duty ng doktor lalo na’t alam nito na kinakailangan niyang sagipin ang buhay ng kanyang pasyente. Kaya naman ay nagpaalam si Dr. Zhang sa kanyang ama at ipinaliwanag na kinakailangan siya sa hospital upang gumawa ng operasyon sa isang pasyente.

📷image source: tvbs

Bagamat nanghihina ay tumango ang ama at bahagyang ngumiti dahil alam nito ang trabaho ng kanyang anak.

Habang nasa operating room at naghahanda para sa operasyon ay saka nakatanggap ng balita si Dr. Zhang na pumanaw na umano ang kanyang ama. Masakit malaman na wala siya sa tabi ng kanyang ama sa mga huling sandali nito ngunit alam nito na kailangan niya gawin ang kanyang trabaho. Itinago muna ng doktor sa mga kasama nito sa operation room ang balita tungkol sa kanyang ama at pinagpatuloy ang kanyang trabaho. Sa kabila ng mga matinding emosyon na umaapaw sa doktor ay nagawa nitong pagbutihin ang operasyon at sagipin ang buhay ng kanyang pasyente.

📷image source: tvbs

Matapos ang matagumpay na operasyon ay saka hinayaan ni Dr. Zhang ang kanyang emosyon na lumabas. Umiyak ito, para sa pumanaw nitong ama, sa mga sandali na hindi nito nakasama at hinayaan ang sarili na magluksa.

Ikinagulat ng mga kasama nito nang malaman nila na pumanaw na pala ang ama ni Dr. Zhang bago pa man ang operasyon ngunit propesyonal pa rin nito nagampanan ang kanyang tungkulin.

COMMENTS