Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.


Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito. Marami sa atin ang nawalan ng trabaho ngayong sumapit ang pande

Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Doktor sa Pennsylvania, nagsusuot ng Superman costume tuwing nagtuturok ng COVID-19 vaccine.
Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.

Patrick Hoagland resume

Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.

Marami sa atin ang nawalan ng trabaho ngayong sumapit ang pandemya. Ang akala nating trabaho na makapagbibigay ng ating pang araw-araw na pangangailangan, ay biglaang nawala nang nagkaroon ng pandemya. Sa lumipas na taon ay may iilang mga Pilipino na nakahanap na ng trabaho, mapa-online, negosyo o suma-sideline, importante ay mayroon nang mapagkakitaan.

Subalit isang ama mula Arizona, USA ang gumawala ng pakulo upang makahanap ng trabaho. Bigla-bigla umano itong tinanggal sa pinagtatrabahuan niyang metal recycling company, kaya kinailangan nitong gumawa ng paraan upang makahanap ng trabaho.

Maliit lamang ang kinikita ni Patrick Hoagland at dahil rito ay kinailangan rin ng kanyang asawa magtrabaho. Sa panahong nawalang ng trabaho si Patrick ay hindi kakayanin ng sweldo ng asawa nito ang gastusin sa bahay, kaya naman ay nagsikap ito agad na makahanap ng trabaho. Sinubukan nitong magapply online at in-person ngunit sadyang hindi ito sinuwerte.

Hanggang sa nagka-ideya si Patrick na mamahagi ng kanyang resume. Nagpa-photocopy ito ng 200 na kopya ng kanyang resume, at araw-araw sa itinakda nitong oras ay tumatayo ito sa gilid ng daan upang mamahagi ng kanyang resume. Pagkkwento nito, “I wasn’t getting 4ny responses, I w4s getting frustrated. It popped int0 my head, stand on a corner and hold a sign and hand 0ut resumes.” Pagdagdag nito, “At first I laughed about it, and then it kind of went cr4zy.”

May hawak rin itong karatula na nagsasabing, “Please take a resume. Laid-0ff. Looking for a job.” Hindi sumuko si Patrick at patuloy na umasa na makakakuha ng trabaho, hanggang sa may isang taga Serendipity Consulting na dumaan at tumulong sa kanya sa pamamagitan ng pag post sa social media nito.

Napabilib umano ni Patrick si Melissa dahil tirik na tirik ang araw ngunit nakangiti pa rin si Patrick na namamahagi ng kanyang resume. Dahil sa ginawa ni Melissa ay dinagsa ng job offers si Patrick na naging daan upang makuha ni Patrick ang dream job niya.

Malaki ang pasasalamat ni Patrick kay Melissa at sa mga netizen na sumuporta sa kanya. Tunay na nakakabilib ang naisip ni Patrick na paraan upang mapansin at makahanap ng trabaho.

COMMENTS