Bahay ng Topnocher na Barong barong noon, isa nang kongkretong bahay ngayon.


Bahay ng Topnocher na Barong barong noon, isa nang kongkretong bahay ngayon. Tunay nga ang kasabihan na kapag may tiyaga ay may nil

House and Lot awardee mula sa raffle ng mga nagpabakuna sa Ilocos Sur, isang 22 year old ang nanalo!
Babaeng binansagan bilang “ The ugly fat girl” Ginulat ang mga Nambully sakanyang Transpormasyon.
Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.

Bahay ng Topnocher na Barong barong noon, isa nang kongkretong bahay ngayon.
Tunay nga ang kasabihan na kapag may tiyaga ay may nilaga tulad nalang ng kwento ng pagtitiyaga ni Iah na mula sa barong – barong na bahay ay mayroon nang bahay na bato ngayon.
Ang dalagang si Iah Seraspi ay anak ng isang mangingisda ngunit sa kabila nito ay nakatapos siya ng kanyang pag aaral at nagawa niyang maging Top 2 sa Licensure Exam for Teacher (LET) noong siya ay mag-board exam noong taong 2015. Nagawa rin umano ito ng dalaga dahil sakanyang sipag at determinasyon na matapos ang kanyang pag aaral sa kolehiyo.

Kamaikailan nga lang ay nagviral ito sa social media at nakita nga sa larawan ang isang barong barong na bahay at nakasabit duon ang isang tarpaulin ng babae na may nakasulat na Top 2. Ang barong barong na bahay na iyon ay siyang tinitirhan nila ng kaniyang pamilya.

Nitong ika 25 taong kaarawan ni Iah ay ibinahagi niya sa kanyang facebook account ang mga pagbabagong naganap sa kanilang buhay mula ng makapagtapos siya at naging top 2 sa board exam. Matatandaan na buwan ng Setyembre taong 2015 nang maganap ang LET board exam na iyon. Kaya madami din ang nag aabang sa tunay na kinahantungan na nga ng buhay ng dalaga matapos niyang maging tunay na ganap na propesyonal na guro na.
Sa naging pahayag nga ni Iah ukol sa kanila nang buhay ngayon ay sinabi niyang marami sakanyang pangarap ay natupad na nga isa na nga doon ang maging isang propesyonal na guro at sumunod ang pangarap niyang mabigyan ng maayos at komportableng pamumuhay ang kaniyang pamilya. Pangarap niya umanong mapagawa ang kanilang bahay.

Makikita nga sa ibinahaging larawan ni Iah na ang dating barong barong nilang bahay ay isa nang kongkretong bahay na bato na ngayon. Mayroon itong dalawang palapag, malawak at maaliwalas at mas malaki sa dati nilang tirahan.
Matapos daw umano niyang makagraduate at maging top 2 sa nasabing LET exam ay inoferan siya agad ng trabaho ng review center na dati niyang pinagri- reviewhan bago siya magtake ng exam.

Masasabi ngang nabago talaga ang estado ng buhay nila Iah mula nang makatapos siya at ngayon nga ay nagtatrabaho na sa “Carl Balita Review Center” o CBRC. Ang dating review center na kanyang pinag reviewhan. Masaya ang dalaga at nakakuha agad siya ng trabaho na siya namang makakatulong ng malaki sakanyang pamilya. Doon din umano nila itinayo sa dating barong barong na bahay ang bago nilang kongkretong bahay ngayon.
Isa ngang matatawag na inspirasyon sa madami ang ipinakitang ito ni Iah. Kailangan lang talaga ng sipag,tyaga at determinasyon upang makamit mo din ang mga pangarap mo sa buhay.

COMMENTS