Doktor sa Pennsylvania, nagsusuot ng Superman costume tuwing nagtuturok ng COVID-19 vaccine. Ngayong may available na bakuna panlaban sa COVID-

📷image source: reuters
Doktor sa Pennsylvania, nagsusuot ng Superman costume tuwing nagtuturok ng COVID-19 vaccine.
Ngayong may available na bakuna panlaban sa COVID-19 ay inuunang turukan ang mga senior citizen lalo na’t sila ang pinaka nasa panganib kapag nahawaan ng sakit na ito. Ang bagong bakuna kasi ang magsisilbing panglaban at pananggalang sa kumakalat na virus sa buong mundo, ang COVID-19.
Dr. Mayank Amin in superman costume prepping the COVID-19 vaccine.📷image source: reuters
Kaya naman ay overtime at todo trabaho rin ang mga doktor, nurses at health workers na iligtas bawat pasyente nila. Maituturing na bayani o superheroes ang mga taong ito lalo na’t buong-buo sila magserbisyo sa mga nangangailangan ng tulong nila. Isang doktor sa Pennsylvania ang tinatawag na ‘Super Doktor’ dahil sa dedikasyon nito at sa suot suot nito tuwing nagtuturok ito ng bakuna.
📷image source: reuters
Siya si Dr. Mayank Amin na nagsusuot ng ‘superman’ costume tuwing nagtuturok ng Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccine sa mga senior o elderly na pasyente nito. Suot-suot ang costume ng sikat na superhero character na si ‘Superman’ pati na rin ang protective equipment nito tulad ng gloves at facemask, ay matiyagang tinuturukan ni Dr. Amin ang mga pasyente at citizens sa lugar nila ng bakuna.
Dr. Amin delivers Nany Higgins’ vaccine. 📷image source: reuters
Ayon sa REUTERS ay dinadalaw rin umano nito ang mga stay-at-home patients upang magdala ng bakuna kontra COVID-19 para sa kanila. Suot-suot pa rin ang superman costume na dating ginamit umano ng doktor sa isang Halloween party. Ngayon ay nakakapagbigay saya at ngiti ang costume na ito sa mga pasyente niyang binibigyan niya ng bakuna.
Patient Helen Pepe, 94 years old, recieves COVID-19 vaccine.📷image source: reuters
Sa isang clinic na pinapatakbo ng Skippack Pharmacy Collegeville nagtuturok ng bakuna si Dr. Amin. Ayon dito, may mga araw umano na nagni-nyebe ngunit may may pasyente pa ring pumupunta sa clinic nila upang magpabakuna.
Tunay na mala-super human strength ang ginagamit ni Dr. Amin sa mga panahong ito dahil marami ang pasyenteng nagpapalista upang mabakunahan araw-araw at talagang nakakapagod rin ito. Minsan naman ay nagkakaproblema sa mga delivery ng vaccine lalo na’t pang buong mundo ang demand para rito, kaya naman sa bawat dumarating na shipment ng bakuna ay iniingatan at inilalagay agad ito ng doktor sa ligtas na lugar.
Tunay na kahanga-hanga si Dr. Amin, at kailangan natin isipin na maging mapagpasensya sa mga pila ng pagkuha ng bakuna panlaban sa COVID-19. Saludo kami sayo Dr. Mayank Amin!
COMMENTS