Lalaking nabyudo, pinalaki ang kanyang walong anak sa tulong ng listahan na iniwan ng kanyang asawa.


Lalaking nabyudo, pinalaki ang kanyang walong anak sa tulong ng listahan na iniwan ng kanyang asawa. Ang pagiging magulang ay mahirap na trabah

Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.
Pinay Cinderella: Dating Labandera isa nang milyonarya ngayon!
Heartfelt story of an OFW who worked in Saudi and toured countries
May be an image of 8 people, child, people standing, people sitting and indoor

Ian and his eight kids. image source: SWNS.com

Lalaking nabyudo, pinalaki ang kanyang walong anak sa tulong ng listahan na iniwan ng kanyang asawa.

Ang pagiging magulang ay mahirap na trabaho dahil sadyang kailangan mo ibuhos ang iyong oras, pasensya, pagmamahal at lahat ng iyong makakaya para sa iyong anak. Tulad ng ibang ama, ay akala ni Ian Millthorpe na madali lamang ang trabaho ng misis niya na nasa bahay lamang. Madalas umano pagusapan nito at ng mga katrabaho niya sa pagmimina, na swerte umano ng mga misis nila dahil nasa bahay lamang ang mga ito. Ngunit laking gulat ni Ian, nang maranasan niya ang araw-araw na trabaho ng kanyang misis.

Ian Millthorpe And Angela

Angie and Ian Millthorpe. Credit: Barcroft Media/Getty Images

Nagkaroon ng cancer ang kanyang misis na si Angie. Masakit man, ay kinailangan ni Angie ihanda ang kanyang pamilya bago pa man siya pumanaw. Kaya naman ay gumawa siya ng listahan upang maging gabay ni Ian sa pagpapalaki sa kanilang anak. Sinanay na rin niya ang kanyang mga anak na huminge ng tulong sa kanilang ama at hindi sa kaniya.

Angie left Ian a list to guide him. image source: NB Press

Nang dumating ang pinakamalungkot na araw sa kanilang pamilya, sa pagpanaw ni Angie, ay sinikap ni Ian na ipagpatuloy ang nakagisnan ng kanyang mga anak. Gamit ang listahan na naglalaman ng mga birthday ng kanyang walong anak, mga nakagisnan na gawain ng mga bata at mga batas na pinapasunod ni Angie sa kanila ay nagawa niyang maging mapayapa ang sambahayan. Ayon kay Ian, ay hindi na maghihilom ang sakit ng pagkawala ng kanyang asawa ngunit matututunan raw niyang magpatuloy sa buhay.

 

Kahit kalian ay hindi niya pinagbawalan ang mga anak sa pagk-kwento ng mga ala-ala nila sa kanilang ina. Sa halip ay hanga pa siya sa mga anak niya dahil katulad niya ay natuto rin ang mga ito na tumayo sa mga sariling paa kahit na wala ang kanilang Ina. Madalas din nilang pagkwentuhan ang mga ala-ala nang kasama pa nila si Angie, katulad ng mga nakaugalian na gawin nito o mga madalas na sabihin nito. Madalas nilang bisitahin ang puntod ni Angie at nagpapasalamat sa mga ala-alang iniwan nito.

COMMENTS