Revenge Body ng babaeng iniwang ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.


Revenge Body ng babaeng iniwang ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri. Sadyang napakasakit iwan ng kasintahan, lalo n

Madiskarteng vendor ng ice scramble, viral dahil sa kahanga-hangang tricks nito.
Isang Pinay nurse nanalo ng P167 Million sa isang raffle draw sa Abu Dhabi.
Filipino Chef with No Hands, Maricel Apatan, earns praise and awe for her perseverance in reaching her dreams.
No photo description available.

📷Image source: @josievr Instagram

Revenge Body ng babaeng iniwang ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.

Sadyang napakasakit iwan ng kasintahan, lalo na kung matagal na kayong magkasama. Bigla-bigla ay kinakailangan mong kalimutan ang mga masaya ninyong ala-ala at matatamis na sandal. Nakakawala ng confidence ngunit importante na matandaan natin na sa bawat bagyong darating ay may bahagharing darating.

Ganyan na ganyan ang pinagdaanan ng Josi na muna sa Los Angeles California. Ayon kay Josie ay sanay na siya sa malaki niyang katawan dahil sadyang mataba na siya noong bata pa lamang. Sa kabila ng mapait na nakaraan ay nagkaroon ito ng kasintahan na tumagal ng tatlong taon. Subalit isang araw ay iniwan siya nito, at ang itinurong dahilan ay ang katawan nitong umaabot na sa 300 pounds ang bigat.

2018 pa nang iwan siya ng kanyang boyfriend, ngunit natutunan ni Josie na bumangon muli at mahalin ang sarili. Pagbabahagi nito, “I was that girl that my ex didn’t want, so I became the girl he couldn’t have.”

Mula sa 300 pounds ay naging 140 pounds na lamang ang weight ni Josie. Inabot ito ng tatlong taon upang tuluyang makamit ang target weight, at ngayon ay proud na inirampa nito ang two-piece swimsout sa kanyang, ‘revenge body’.

Noong bata pa lamang si Josie ay madalas siyang hindi pansinin ng kanyang mga kaklase. Hindi raw nito nasubukang ayain sa kanilang school dance, dahil na rin umano sa kanyang weight.

Ngunit ang pagiwan sa kanya ng kanyang kasintahan ang naging ‘turning point’ at motivation ni Josie na magpursige sa pagbabawas ng timbang. Sa halip na magmukmok ay ginawa nitong positibo ang negatibong sitwasyon.

Nagsimulang mag-gym si Josie at naghire ito ng trainer upang turuan siyang makapagbawas ng timbang sa tamang paraan. Sa kanyang pagpupursige ay 140 pounds ang nabawas sa kanyang timbang. Halos kalahati ng timbang niya noon.

Isa sa mga naging support system ng weight loss journey ni Josie ay ang pinsan niyang si Lupe. Ito ang nakasaksi ng malaking pagbabago sa katawan at ugali ni Josie. Mas naging cheerful umano raw ito kaysa sa dati. Mas naging confident rin ito at makikita umano sa pagdadala ni Josie sa sarili. Kaya naman ay naging inspirasyon si Josie sa mga taong may pinagdadaanan rin na sitwasyon tungkol sa kanilang timbang.

 

COMMENTS