Trending Pose tuwing nagpapakuha ng litrato sa pagrecieve ng parcel, ikinatuwa ng mga netizens!


Trending Pose tuwing nagpapakuha ng litrato sa pagrecieve ng parcel, ikinatuwa ng mga netizens! Iba talaga ang Pinoy pagdating sa diskarte at p

Kakaibang istilong negosyo ang isang “Floating sari-sari store” sa Negros Oriental na pumatok ngayon sa mga turista!
8 Ideya sa pagse-celebrate ng Valentines ngayon panahon ng pandemya.
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.

May be an image of 2 people and people standing

Trending Pose tuwing nagpapakuha ng litrato sa pagrecieve ng parcel, ikinatuwa ng mga netizens!

Iba talaga ang Pinoy pagdating sa diskarte at pagpapatawa kahit na may pandemya. Kahit sa pinakamaliit na bagay ay nagagawa nating katawa-tawa at nakakapagbigay rin ng saya sa ibang tao. Kaya naman nang magpakitang gilas ang mga customer ng mga online shop na ito, sa pag posing para sa litrato na kununa ng mga delivery riders bilang proof ay agad-agad itong nagtrending.

Shippers

Citizen posing for proof of recieved parcel. 📷 image source: gurugamer

Dahil sa pandemya ay tumaas ang porsyento ng mga namimili thru online. Upang makasiguro naman na makakarating ang parcel sa kanilang mga customers ay kinakailangan ng mga delivery rider na kumuha ng litrato ng parcel at ng nakarecieve nito. Ito ay upang proteksyon ng mga riders at supplier sa mga mapanlokong customers.

Model Pose

Michelle Fox 📷 image source: gurugamer

Bagamat naiitindihan ng mga mamimili na kailangan sila kunan ng litrato ay hindi napigilan ng ilan na magpakitang gilas sap ag posing para rito. Isa na rito si Michelle Fox na kilalang modelo at vlogger. Tunay na nakakaaliw ang mala-‘Vogue’ na poses nito. Mabilis namang nagviral ang mga litrato nito sa social media na nakapagdagdag sa kasikatan nito.

Jhoey Order

Jhoey Zulueta. 📷 image source: gurugamer

Isa rin sa mga sumabak sa ganitong challenge ay si Jhoey Zulueta na kilala bilang designer at dancer sa bansa. Suot suot ng isang multi-layered dress na kulay pink ay saka nito hinawakan ang mga parcel na para bang mga expensive designer bags ang mga ito. Humataw ito sa kaka-posing na siyang ikinatuwa rin ng netizens. Ang ilan naman ay humanga sa suot-suot nitong dress.

Pose Shippers

Citizen posing for proof of recieved parcel. 📷 image source: gurugamer

May iilan rin naman na sumabak sa challenge na ito ay nagpost sa kani-kaniyang social media. Tila naging uso na ang ganitong challenge hindi lamang sa ating bansa kundi sa Malaysia, at mga karatig bansa sa Asia.

Pose Receive Item

Citizen posing for proof of recieved parcel. 📷 image source: gurugamer

 

 

 

📷image source: John Carlo Ison Facebook

📷image source: therelatable

Tunay na nakakapagbigay saya ang mga simple kwelang poses na ito, hindi lamang sa mga netizens kundi pati na rin sa mga delivery riders. Hindi maiwasan ng mga ito makatagpo ng mga customers na ayaw tanggapin ang kanilang parcel o pinagtataguan ang rider. Kaya naman sa mga consumers na trip gayahin ang trend na ito, go lang, at nakakapagpasaya at nakakapagtanggal ng stress ang mga makwelang poses ninyo.

Shipment

Citizen posing for proof of recieved parcel. 📷 image source: gurugamer

COMMENTS