Binatilyo, gumagawa ng drawings at ibinebenta upang may pambayad sa hospital bills ng yumaong Ina.


Binatilyo, gumagawa ng drawings at ibinebenta upang may pambayad sa hospital bills ng yumaong Ina. Lahat tayo ay dumaraan sa matinding pagsubok

Kasalan na literal na hindi nagpatinag sa hagupit ng bagyo, mala-pelikula sa kilig!
Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Isang nag-Top 3 sa Licensure Examination for Teacher ngayon ang nagligtas sa kanyang paraalan. Alamin kung bakit!

Frederick del Mundo. 📷credit: Frederick del Mundo Facebook

Binatilyo, gumagawa ng drawings at ibinebenta upang may pambayad sa hospital bills ng yumaong Ina.

Lahat tayo ay dumaraan sa matinding pagsubok na akala natin ay hindi natin kakayanin. Iba’t ibang emosyon ang mararamdaman natin at kahit anong tukso man ang humarap ay dapat tayong manatiling kampante at manalig na magiging maayos rin ang lahat. Katulad ng isang kahanga-hangang binatilyo na humingi ng tulong gamit ang social media, upang manawagan na tangkilikin ang mga obra nito.

📷credit: Frederick del Mundo Facebook

Ang 20 anyos na si Frederick del Mundo ay may angking talento sa pagguhit. Para sa kaniya ay isa sa mga creative ways para ma-express niya ang kanyang sarili ay sa pamamagitan ng pagguhit. Tunay na malikhain si Frederick, at alam nito na ito ang magiging daan niya upang magtagumpay sa buhay pagdating ng panahon.

Sa isang yugto ng buhay niya ay na-ospital ang Ina nito. Nagkaroon ng tuberculosis at pneumonia ang kanyang Ina at naging sanhi ng pag panaw nito. Sa mga panahong iyon, ay kinailangan nila ng pera sa pagpapagamot nito, kaya naman ay kinailangan nila umutang ng pera. Ngayon bagamat nagluluksa pa, ay kinailangan nilang harapin ang utang nilang P500,000.

📷credit: Frederick del Mundo Facebook

Pinakabata sa 8 magkakapatid si Frederick, at upang makatulong sa pagbabayad ng utang nila ay ginagamit niya ang kanyang talento sa pagguhit. Binebenta niya ang kanyang mga artwork o drawings upang kumita ng pera. Tumatanggap rin ito ng commissions mula sa mga kliyente na gustong magpadrawing.

📷credit: Frederick del Mundo Facebook

Ipinost ni Frederick sa social media ang kanyang mga obra at tinulungan rin siya ng GMA-7’s Front Row upang marami ang makakita sa kanyang mga obra. Dahil rito ay dumami ang mga netizens na humanga sa kanyang galing. Umani rin ito ng maraming kliyente na gustong magpadrawing. Marami rin ang sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng pagpapakalat ng litrato ng kanyang mga artwork.

Bagamat hindi inaasahan ay mukhang magiging daan pa ito upang lalo makilala si Frederick sa kanyang sining at mabigyan ito ng oportunidad na maabot ang kanyang mga pangarap bilang artist.

COMMENTS