Isang sikat na singer, binigyan ng bahay ang Pinay caregiver ng kanyang lolo.


Isang sikat na singer, binigyan ng bahay ang Pinay caregiver ng kanyang lolo. Tunay na may ilaw sa dulo ng lagusan, kaya naman sa bawat hirap s

Olivia Rodrigo, biggest fan umano ni Catriona Gray at flattered tuwing sinasabing magka-mukha sila.
Paring nagkasal sa kapatid ni Maine Mendoza, humanga at nadistract umano sa kagandahan ng aktres!
Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”

May be an image of 6 people, people standing and indoor

Isang sikat na singer, binigyan ng bahay ang Pinay caregiver ng kanyang lolo.

Tunay na may ilaw sa dulo ng lagusan, kaya naman sa bawat hirap sa buhay ay hindi tayo dapat sumuko, sa halip ay dapat pa tayong magsumikap upang marating ito. Katulad na lamang ng isang Pinay Caregiver na si Minette na tagpagalaga sa lolo ng sikat na Canadian Singer na si Michael Buble.

Umani ng papuri at napahanga ni Michael Buble ang mga tao nang bigyan nito ng bahay si Minette. Walong taon na inaalagaan ni Minette ang lolo ng singer at sa panahong iyon ay napalapit na ito sa pamilya nila.

May be an image of 4 people

📷credit: PropertyBrothers Facebook

Ang bahay na ibinigay ni Michael ay pagmamay-ari ng yumanong lolo nito na si Demetrio. Ngunit isa umano sa kanyang mga hiling ay ang ibigay ang bahay kay Minatte upang hindi na nito kailangan pang mangupahan ng titirahan.

📷credit: PropertyBrothers Twitter

Si lolo Demetrio pa mismo ang nagsasagawa ng pagrerenovate noon sa bahay na iyon. Ngayon ay si Michael Buble na ang nagparenovate sa bahay sa tulong ng sikat na show na, “Property Brothers”. Naging guest pa mismo si Michael at si Minette sa palabas na ito na mapapanuod sa HGTV. Di ay ipinakita rin ang reveal ng reaksyon ni Minette nang makita ang bagong hitsura ng bahay.

📷credit: hgtv Instagram

Pagkkwento ni Minette, bago pa man umano ito sumalang sa Canada ay nagtrabaho muna ito bilang community health worker sa Pilipinas. May oportunidad na nagpresinta kaya naman ay nagpasya itong magpunta sa ibang bansa at namasukan sa pamilyang Buble bilang caregiver para kay lolo Demetrio.

Sa tagal ng pagtatrabaho niya sa pamiliyang Buble ay kinikilala na siya bilang parte ng kanilang pamilya. Isa rin si Minette sa pinakamatalik na kaibigan ni lolo Demetrio, at maalaga rito kaya naman ay talagang deserving si Minette sa regalong ibinigay nito.

Ayon kay Michael, pinapadala umano ng buo ni Minette ang perang kinikita para sa pamilya niya sa Pilipinas. Dagdag pa nito si Minette ay, “…really compassionate, kind, empathetic human being. She became family almost instantly. I can only imagine what it’s going to mean to her.”

📷credit: hgtv Instagram

Malapit na malapit umano sa puso ni Michael ang kanyang lolo dahil ito ang nag-impluwensya sa kanyang musika. Madalas pa nga nitong i-video call si lolo Demetrio bago magsimula ang mga concert nito. Lubos-lubos naman ang tuwa at pasasalamat ni Minette sa pamilyang Buble sa pagmamahal nito sa kaniya. Sa laki ng halaga na kinakailangan upang magrenta ng bahay sa ibang bansa, at tunay na malaking tulong ang ibinigay ni lolo Demetrio.

COMMENTS