Nino Muhlach, may kapatid na ubod ng ganda at mas piniling maging Engineer kaysa pumasok sa showbiz.


Nino Muhlach, may kapatid na ubod ng ganda at mas piniling maging Engineer kaysa pumasok sa showbiz. Parang bukas na libro ang bawat kwento sa

Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang ‘Trudis liit’, ito na pala ang buhay niya ngayon.
Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.
Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.

May be an image of 3 people and people standing

Nino Muhlach, may kapatid na ubod ng ganda at mas piniling maging Engineer kaysa pumasok sa showbiz.

Parang bukas na libro ang bawat kwento sa buhay ng isang celebrity. Ito na marahil ang isa sa mga isinasakripisyo nila dahil sa napili nilang karera. Kaya naman nang malaman ng mga netizens na mayroon palang kapatid si Nino Muhlach na ubod ng ganda, ay inulan ang dalaga ng paghanga.

Siya si Angela Muhlach, ang nakababatang kapatid ni Nino Muhlach na mas pinili maging Engineer kaysa sa pumasok sa showbiz. Hindi maitatanggi na showbiz material ang kapatid ni Nino Muhlah dahil sa angkin nitong ganda. Tila nasa genes talaga ng pamilya ang pagiging gwapo at maganda lalo na’t ang pamilya ay may maaamong mukha tulad na lamang ng pinsan nilang si Aga Muhlach.

Nakapagtapos ng Industrial Engineering sa De La Salle University si Angela at ito umano ang kauna-unahang nakapagtapos ng Engineering sa kanilang angkan.

Mahilig rin ito umano magtravel, na halatang-halata sa mga travel photos na ibinida nito sa kanyang social media. Iilan sa mga napuntahang bansa nito ay ang Europe, Paris, London, Spain, Japan, Holland, at Netherlands. Noong 21-taong gulang ito ay nasubukan na nitong mag skydiving sa taas na 10,000 ft. sa United States of America. Isa ito sa mga extreme sports na ibinibida ng bansa. Ayon kay Angela ay ito na umano ang pinakanakaka-manghang mga segundo ng buhay niya.

Umani rin ng maraming likes ang pagbabahagi nito sa kanyang social media ng isang event sa New York na tinatawag na ‘Ceremonial dropping of balls’ na ginawa noong bagong taon ng 2017.

Tila napakaadventurous ni Angela, at marami na itong napuntahan na lugar sa mundo. Kung iisipin ay marami sa atin ang nangangarap na maikot ang mundo at makita ang iba’t ibang kultura at lugar. Kaya naman ay napakaswerte ni Angela sa bagay na ito. Sa kabila ng lahat ay desidido itong maging Engineer, at walang plano umanong pumasok sa showbiz.

COMMENTS