Vice Ganda, proud sa dalawang kasambahay na pinag-arali nito dahil nakapagtapos na ito sa pagaaral.


Vice Ganda, proud sa dalawang kasambahay na pinag-arali nito dahil nakapagtapos na ito sa pagaaral. Mula sa mahirap ang unkabogable star na si

Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.
Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”
Ito pala ang dahilan kung bakit naka Wedding attire sila Vice Ganda at Ion Perez

No photo description available.

Vice Ganda, proud sa dalawang kasambahay na pinag-arali nito dahil nakapagtapos na ito sa pagaaral.

Mula sa mahirap ang unkabogable star na si Vice Ganda, kaya naman ngayong naka-angat na ito sa buhay ay sinisikap nitong makatulong sa kapwa. Ganoon na lamang kalaki ang puso ng komedyante, at isa sa mga tinulungan nito ay ang kanyang sariling kasambahay.

Kasa-kasama niya ang mga ito sa kanyang mga lakad, taping at kung saan-saan. Kaya naman ay binansagan na ‘Vice Angels’ ang dalawang kasambahay ng komedyante. Upang maibalik ang pagmamalasakit, pagtitiis at pagmamahal ng kanyang ‘Vice Angels’, na si Lalaine Freo at Jacquelyn Guerrero, ay napagpasyahan ni Vice Ganda na pag-aralin ang dalawa.

Ibinahagi ni Vice Ganda ang kwento ng kanyang dalawang kasambahay sa kanyang YouTube Channel. Sa vlog na ito ay nagkwento ang dalawa kung gaano kabuti bilang amo sa kanila sa Vice.

Ayon rito ay matapos ang isang taon nilang paninilbihan, ay nagpasya ang dalawa na ipagpatuloy muna ang pag-aaral. Nang magpaalam ang mga ito kay Vice ay ang kapamilya star na mismo ang nag-alok na siya na ang magpapa-aral sa kanilang dalawa.

Noong March 2018 ay nakapagtapos ng pagaaral sina Lalaine at Jacquelyn kung saan ay proud na proud si Vice Ganda. Para naman sa darating na graduation ball, ay si Vice na rin mismo ang sumagot sa gastusin ng makeover ng dalawa. Lumabas ang natural na ganda ng dalawa at bagay na bagay na tawaging, ‘Vice Angels’.

Abot langit naman ang pasasalamat nila Lalaine at Jacquelyn dahil sa pagtulong ng kapamilya star. Ayon sa mga ito ay hinding-hindi nila umano makakalimutan ang kanilang graduation ball na naging extra special dahil sa tulong ni Vice Ganda. Pagpapasalamat ni Jacquelyn, “Ito oh, patapos na kami. Thank you sa lahat!”

Tunay na napakabuti ng puso ni Vice Ganda, at sinisikap nitong makatulong sa kapwa. Hindi rin biro ang gastusin sa pagpapaaral sa panahong ngayon. Sa kabila ng tagumpay nito sa showbiz ay nananatili itong mapagpakumbaba at mapagmalasakit sa kapwa.

COMMENTS