Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.


Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa. Nauso ang pagka

Kilig! Courier rider falls in love with a customer, finally gets a happily ever after.ł
Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!
Isang buwan nagpropose ang isang lalaki sa minamahal nito nang pasikreto!
May be an image of 2 people

📷credit: Gail Geriane Photography

Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.

Nauso ang pagkakaroon ng photoshoot bilang prenup pictorial sa mga magkasintahan na ikakasal na. Kadalasan, ay mga mala-cinematic ang dating ng prenup photos o kaya naman ay terno sa theme ng kasal. Talagang naging parte na ito sa pinaghahandaan ng magkasintahan na ikakasal. Subalit sa magkasintahan na ito, mas pinili nilang gumawa ng prenup photos na nagpapakita ng realidad ng buhay magasawa.

Image

📷credit: Gail Geriane Photography

Mga gawain sa bahay ang makikitang ginagawa ng magkasintahan na si Paul Laput at si Angelie Jean sa kanilang prenup photos. Paglalaba, pagluluto at pagsasama nilang dalawa sa oras na sila’y ganap nang ‘husband-and-wife’ ang makikita sa mga litrato ng kanilang prenup.

Image

📷credit: Gail Geriane Photography

Sinasalamin lamang ng mga ito ang realidad na magaganap pagkatapos ng kasal. Sa mga pictures ay talagang makikita na ‘happily ever after’ talaga ang magasawa. Nakangiti, mga nakaw na halik, at tawanan na pinagsaluhan nilang dalawa ay makikita rin kanilang prenup photos.

Image

📷credit: Gail Geriane Photography

Sa post sa social media ng kanilang photographer na si Gail Geriane ay ipinakita nito ang magagandang resulta ng kanilang photoshoot. Sa caption, isinaad nito ang pagkasabik na ishare ang prenup photos ng kanyang kliyente na si Anj at Paul. Ayon rito ay hiniling umano ng magkasintahan na hangga’t maaari ay gawing makatotohanan ang photo session. Dagdag pa ni Gail, “I love it when clients give me creative freedom. These really show how these two were great to work with.”

Photo: Gail Geriane Photography

📷credit: Gail Geriane Photography

Lumabas nang napakaganda ang prenup photos ng dalawa na para bang buhay na buhay mong nakikita silang nagluluto at sweet na sweet sa isa’t isa. Ramdam rin ang pagmamalasakit, kagalakan at pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa bagamat ay litrato lamang ito. Lumabas ang husay at talento ni Gail at napahanga naman ang mga netizens sa kakaibang prenup photos nila Anj at Paul. Kudos kay Ms. Gail at best wishes kila Mr. and Mrs. Laput.

COMMENTS