Kakaibang Pink Beach at magandang isla, sa Pilipinas pala matatagpuan.


Kakaibang Pink Beach at magandang isla, sa Pilipinas pala matatagpuan. Kilala ang Pilipinas sa pagiging mayaman sa likas na yaman, kaya naman a

Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space.
Philippines ang may pinakamalalakas na pambato sa Olympics sa buong Southeast Asia?
Isang nakakagulat na pangyayari ng isang ina, matapos malaman na ang kanyang magiging daughter-in-law ay ang kanya palang nawawalang anak!
No photo description available.

📷credit: cctraveldenmark Instagram

Kakaibang Pink Beach at magandang isla, sa Pilipinas pala matatagpuan.

Kilala ang Pilipinas sa pagiging mayaman sa likas na yaman, kaya naman ay talagang dinadayo ng mga banyaga ang ating bansa. Isa na rin sa kagandahan sa ating bansa ay ang pagkakaroon nito ng maraming isla.

Sa 7,640 na isla sa ating bansa ay talagang hindi nauubusan ng papasyalan ang mga banyaga. Isa sa mga isla na ito ay ang Sta. Cruz Island na napasama sa 21 Best Beaches in the world ayon sa National Geographic. Napasama ang Sta. Cruz Island ng Zamboanga dahil sa kakaibang kulay ng buhangin rito. Kung karaniwan ay beige o brown ang buhangin, sa Sta. Cruz Island ay Pink ang buhangin. Kaya naman binansagang, ‘Pink Beach’ ang Sta. Cruz Island sa Zamboanga.

📷credit: jheraway Instagram

Sino ba naman ang magaakala na nasa Pilipinas lang pala ang nag-trending na ‘Pink Beach’? Sa katunayan, kaya naging kulay Pink ang buhangin rito ay dahil umano sa mga red corals na nasa dagat ng lugar. Ang mga malilit na particles ng ‘red organ pipe corals’, tuwing nadudurog ito ay sumasama sa alon at naiiwan sa isla, kaya naman ang buhangin rito ay nagkulay pink.

Bagamat kakaiba kaysa sa karaniwang beaches na matatagpuan sa Pilipinas ay nakakarelax pa rin ang ambiance na bigay ng lugar. Maaliwalas sa paningin at pati na rin ang hangin rito. Picture perfect para sa mga dadayo rito at talagang hinding-hindi ka mabibigo sa seafood na inihahanda ng mga taga rito.

At dahil marami ang turistang nagpupunta sa lugar ay sinigurado ng munisipyo ng Zamboanga na mapo-protektahan ang lugar sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay sa mga dadayo rito. Nililimitahan lamang ang mga taong maaaring bumisita sa isla. Upang makarating sa Pink Beach ay kinakailangan munang makipagcoordinate sa loka ng opisyal ng lugar. Ipinagbabawal rin ang pagtatapon ng basura sa dagat, pagsira ng coral reefs at ang pag-oovernight sa lugar.

Upang makapunta sa beach na ito ay kinakailangan makipag-ugnayan sa Tourism Office ng Zamboanga.

COMMENTS