Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.


Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people's champ na si Manny Pacquiao. Isa sa mga delicacy ng pagkaing pinoy ay ang Bagoong

Mag-asawang Jinkee Pacquaio at Senator Manny Pacquaio, masaya pa ring nagbakasyon sa Japan at bumili ng mga branded na gamit!
Jinkee Pacquiao, sisiguraduhin na kapag siya ang naging First Lady hindi siya magiging kagaya ni dating Imelda Marcos!
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.

May be an image of food, indoor and text

Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.

Isa sa mga delicacy ng pagkaing pinoy ay ang Bagoong (tagalog) o Ginamos (bisaya). Hindi man kaakit-akit ang amoy, ngunit napakasarap naman lalo na kapag pinapares sa maasim na mangga. Para kay Senator Manny Pacquiao, isa sa mga the best combination ay ang Ginamos at Nilagang saging saba. Kitang-kita sa vlog ng asawa nitong si Jinkee na talagang masarap ang kain ng senador.

📷image source: Jinkee Pacquiao’s YouTube Channel, ‘Simply Jinkee’

Sa panimula ay nagkkwentuhan pa ang mag-asawang Pacquiao, habang kumakain ng saging na sinasawsaw sa ginamos at may binignit. Pagbabahagi ng boxing champion, ito raw umano ang madalas nilang kainin noon kapag wala silang bigas. Halos sampung taon rin daw na ito lamang ang pagkain niya. Hanggang sa maisipan nilang ipatikim ito sa mga anak nila.

📷image source: Jinkee Pacquiao’s YouTube Channel, ‘Simply Jinkee’

Tinawag ni Jinkee na ‘ginamos challenge’ ang pagpapatikim ng ginamos sa kanilang mga anak. Hindi na rin kataka-taka na hindi pa ito natitikman ng mga anak ni Jinkee. Karamihan kase sa mga millennials or mga kabataan sa henerasyon na ito ay hindi pa nakakatikim ng ginamos lalo na kung nakaka-angat naman ang mga ito sa buhay.

📷image source: Jinkee Pacquiao’s YouTube Channel, ‘Simply Jinkee’

Unang humarap sa challenge si Princess, at tinikman ang ibinigay ng ama na saging na sinawsaw sa ginamos. Halata sa mukha nito na nagulat ito sa maalat na lasa ng ginamos at umalis upang uminom ng tubig. Bagamat naalatan, ay sumangayon naman ito na masarap.

Sumunod ay si Jimuel, na may pagaalinlangan sa umpisa. Kumuha muna ito ng tubig bago tinanggap ang inalok ng ama na saging na may ginamos.

Ang huling tumikim ay si Queenie na lumapit nang may kaba. Hawak-hawak ang tubig sa isang kamay ay saka nito tinikman ang saging na may ginamos. Satisfied naman ang mag-asawa na hindi umatras o naginarte ang mga anak nila. Muli ay bumalik ang senador sa pagkain ng saging ngunit sa huli ay si Jinkee naman ang kumain nito. Nakakatuwa rin isipin na hindi nalilimutan ng magasawa ang mga pagkain na naging parte ng buhay nila noon, at nananatili silang mapagkumbaba, matulungin at may pananampalataya sa Diyos.

COMMENTS