19-year old na anak ng farmer, nanalo bilang Miss Vietnam 2020.


19-year old na anak ng farmer, nanalo bilang Miss Vietnam 2020. Dala-dala ang pangarap at determinasyon ay sumali ang anak ng magsasaka sa pati

Amerikanong na stranded sa Pilipinas, pinatayuan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya.
Filipina Scientist who invented the Banana Ketchup and saved lives gets recognized by Google
Lalaking nabyudo, pinalaki ang kanyang walong anak sa tulong ng listahan na iniwan ng kanyang asawa.

May be an image of 3 people, people standing and text

19-year old na anak ng farmer, nanalo bilang Miss Vietnam 2020.

Dala-dala ang pangarap at determinasyon ay sumali ang anak ng magsasaka sa patimpalak na naglalayon mapili ang babaeng magrerepresinta sa kanilang bansa para sa Miss World.

Kahanga-hanga ang ipinamalas ni Ðo Thi Hà, sa patimpalak noong 2020 nang manalo ito bilang Miss Vietnam 2020. Siya ay may 5-foot-8-inches na tangkad at mula sa Thanh Hoa, isang probinsya sa norteng bahagi ng Vietnam.

Marami trabaho ang pinasok ni Ðo Thi Hà nang magsapalaran ito sa syudad. Isa siyang estudyante sa National Economics University at nagsa-sideline sa fashion industry. Nagtatrabaho rin siya bilang calf carrier at server sa lugar nila.

Bago pa man sumabak sa patimpalak na Miss Vietnam ay sumasali na ito sa mga beauty contest sa NEU kaya naman ay nagkaroon na ito ng sapat na kaalaman at confidence sa pagsali sa mga beauty contest.

Upang makasali ay matagal rin pinagipunan ni Ðo Thi Hà ang makapunta sa Ho Chi Minh City. Kaya isang matamis na tagumpay ang pagkapanalo nito bilang Miss Vietnam 2020. Aniya ay hindi niya makakamit ang tagumpay kung wala ang supportang ipinamalas ng kanyang pamilya, kaibigan at mga kababayan sa kanilang probinsya.

Maliban sa korona ay naiuwi rin niya ang cash prize na $15,100 at ang karangalan na irepresinta ang bansa nila sa darating na Miss World.

Nang tinanong siya kung isa ba siyang inspirasyon at role model sa mga batang kababaihan, ay sinagot niya ito ng may katotohanan. “I think whenever I am a role model for young people or not, I always must inspire young people.” Ngayong tinanghal siya bilang Miss Vietnam ay titingalain na rin ito ng mga kabataan. Proud naman ang dalaga sa kanyang pinagmulan at lahat ng kanyang pagsisikap ay para sa kanyang pamilya

COMMENTS