Abogado na nagtrending matapos masabihan na bumili ng kotse, dahil di raw bagay na tricycle ang sevice niya.


Abogado na nagtrending matapos masabihan na bumili ng kotse, dahil di raw bagay na tricycle ang sevice niya. Sabi nga nila ang dila n

Isang dating Vice Mayor ng Victoria, Laguna noon ay naging isang sepulturero na lamang ngayon!
Relationship Goals: Magjowa na sabay sumabak sa ipon challenge, hindi inakala ang halaga ng maiipon nila.
Guro na nagsuot ng Santa Claus costume at namigay ng regalo sa mga estudyante, nagtrending.

Abogado na nagtrending matapos masabihan na bumili ng kotse, dahil di raw bagay na tricycle ang sevice niya.

Sabi nga nila ang dila ng tao ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Sapagkat sa isang maling salita lang nito ay maaari nang makaapekto sa buhay ng tao. At sa mundong ating ginagalawan madaming bibig at dilang mapanghusga. Hindi na yan mawawala sapagkat mas marami ang mahilig magkomento at makialam ng buhay ng iba ngayon.

Kasama nga sa nakaranas husgahan ay si Atty. Kathrine Jessica Calano isang abogado na sumasakay sa tricycle upang pumasok sakanyang trabaho. May ilan kasing tao na hinuhusgahan ang kanyang pamumuhay base sa kanyang propesyon.

May ilan kasi na kinukwestyon ang pagsakay ni Atty. Calano ng tricycle imbes na kotse upang daw mapanindigan ang pagtawag sa kanya na abogado.

Ang tricycle na tinutukoy ng mga taong ito ay ang tricycle ng ama ni Atty. Calano. Hatid sundo siya nito sa pagpasok sa trabaho. At dahil nga sa siya ay isang abogado parati niyang naririnig ang bulu- bulungan ng ilan na dapat siya ay nakakotse sapagkat siya ay may magandang propesyon at para narin siguro maging kapani- paniwalang siya ay abogado.

Madalas nalang itong tawanan ni Atty. Calano sapagakat wala naman iyon sakanya. Para kasi sakanya kahit anong sakyan niya ay ayos lang hindi iyon makakababa ng kaniyang pagkatao bilang isang abogado. At hindi niya kailangan ng materyal na bagay katulad ng kotse upang magmukhang mayaman at ipamukha sa marami na isa siyang abogado.

Nito nga lang ay naglabas na ng opinyon si Atty. Calano sa social media patungkol sa sinasabi ng ilan na dapat siya ay bumili ng kotse sapagkat siya ay isang abogado.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Calano “ Gusto ko lang sabihin sa inyo to, Hindi mo kailangan patunayan ang kakayahan ng propesyon mo sa pamamagitan ng mga bagay na kaya mong bilhin. Maiintindihan ko kung pinapabili nyo ako ng sasakyan para sa ikakadali ng trabaho ko o kaya para sa safety ko kapag meron akong mga hearing sa malayong lugar. Pero kung ang dahilan nyo ng pagpapabili saken ng kotse ay para magmukha akong tunay na abogado. Hindi! Hindi ko kailangan gawin yun para lang mapatunayan sa inyo ang aking propesyon. Bibili ako once kaya na ng savings ko.”

Wika pa ni Atty. Calano madaming humuhusga na ang basehan ay materyal na bagay lang. Mas pinipili niya daw sumakay sa tricycle kesa bumili ng kotse sapagkat may iba pa siyang pinaprayoridad at pinagtutuunan ng pansin.

Ang pangyayaring ito kay Atty. Calano ay patunay lamang na hindi lamang mga sikat na personalidad ang nakakaranas ng panghuhusga ng mga tao maging ang mga simpleng tao ay nakakaranas din nito.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay pinatunayan parin ni Atty. Calano na hindi hadlang ang pagsakay niya sa tricycle upang ipagpatuloy ang kanyang propesyon.

Another random realization.

A lot of people would usually tell me “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo. Di bagay sayo ang…

Posted by Kathrine Jessica Calano on Thursday, December 17, 2020

COMMENTS