Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.


Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story. Ang Pagibig ay walang pinipiling tao, oras at lugar puwede mo

Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.
Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby.
Domestic abuse survivor finds the right kind of love in the man who saved her.

Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.

Ang Pagibig ay walang pinipiling tao, oras at lugar puwede mo itong maramdaman ng hindi mo namamalayan. Katulad nalang ng kuwento ng magkaibang lahi na si Karna at Poly.

Si karna Radheya ay isang Indonesian Surfer samantalang si Poly Alexandra Robinson ay isa namang englisherang British. Ang dalawa ay patunay na hindi hadlang sa pagiibigan ang magkaibang lahi. Hindi hadlang ang pagkakaiba ng kultura,kulay o lahi kapag tunay mong minamahal ang isang tao. Hindi mo titignan ang physical appearance niya kundi yung puso niya.

Nagkakilala ang dalawa taong 2017 buwan ng Agosto sa isla ng Bali Indonesia. Ayon pa kay karna ay love at first sight daw umano ang naramdaman niya sa dalaga sapagkat nabighani daw siya sa kagandahan ng mukha nito na mala manika at sa kulay nitong ubod ng puti.

At dahil nga sa talagang tinamaan si karna kay Poly ay agad niya itong niligawan. Ginawa niya ang lahat ng paraan para mapasagot ang dalaga. At dahil nga sa pagpupursige ni Karna ay nakita ni Poly ang malinis na intensyon nito para sakanya kaya sinagot nadin niya ito sapagkat nahulog nadin ang loob niya sa binata.

Pero sa isang relasyon ay hindi talaga mawawala ang pagsubok. Sinubok ang relasyon ng dalawa ng bumalik si Poly sakanila sa Manchester, England at tumutol ang mga magulang nito sa relasyon nila ni Karna. Ngunit dahil mahal talaga nila ang isat isa ay nalagpasan nila ang pagsubok na ito at mas lalo pa nilang pinagtibay ang kanilang pagmamahalan.

Nagdesisyon nga ang dalawa na magpakasal na upang mapatunayan sa lahat ang kanilang tunay na pagmamahalan. At upang mangyari ang nasabing kasalan ay kinakailangan muna ni Poly magpabinyag sa Islam. Nagpabinyag nga ang dalaga sa islam kaya natuloy nadin ang kanilang kasal.

Sa araw ng kasal ng dalawa ay hindi dumalo sa kasalan ang pamilya ni Poly ngunit ang pamilya nman ni Karna ay kumpleto at nakasuporta sakanila. Gayunpaman ay hindi mababakasan ng lungkot ang mukha ng dalaga sapagkat naguumapaw ang kasiyahan niya nung araw na iyon.

Nagtungo ang dalawa sa Lulu kitchen matapos sila ikasal. Muli nilang inalala ang mga panahong una silang nagkakilala. Ang kuwento nga ng dalawang magkaibang lahi na ito ay nagpamangha na naman sa napakadaming netizen. Inspirasyon din sila sa mga taong nagmamahalan.

 

COMMENTS