Nahanap ang kanyang “Girl of his dream” sa pamamagitan lang ng Online video games


Nahanap ang kanyang “Girl of his dream” sa pamamagitan lang ng Online video games Marami nang kuwento ng nagkatuluyan at nagkaibigan sa pamamag

Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!
Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong.
Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.

May be an image of one or more people, people standing and text

Nahanap ang kanyang “Girl of his dream” sa pamamagitan lang ng Online video games

Marami nang kuwento ng nagkatuluyan at nagkaibigan sa pamamagitan ng ating makabagong teknolohiya. Hindi na mahirap para sa isat-isa ang magkaroon ng komunikasyon pang kumustahan. At ngayon nga isa na namang kuwento ng pagiibigan ang nabuo sa pamamagitan lamang ng online games.

Ang pagiibigan ni Samra at Triston ay nabuo nga sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng MMORPG o Massive Multiplayer Online Role-Playing Game. Si Samra ay 23 taong gulang at isang Pinay na nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa Saudi arabia. Samantalang si Triston Wallin ay 21 taong gulang at naninirahan naman sa bansang Amerika.

Sinubukan ni Samra maglaro ng online video games upang malibang ang sarili at hindi makaramdam ng lungkot sapagkat malayo nga ang kanyang pamilya.Hindi lubos maisip na Samra na sa paglalaro niya ng online games ay dun niya pala mahahanap ang lalaking kaniyang mapapangasawa.

Taong 2017 ng magkakilala si Samra at Triston sa online gaming at simula nga noon ay nagkapalagayan na sila ng loob lagi na sila magkausap at magkavideo call. At dahil parehong gamer doon lang din umiikot ang pinaguusapan nila.

Ngunit hindi nagtagal ay tuluyan ng nahulog ang dalawa sa isat isa. Umamin si Triston ng kanyang nararamdaman kay Samra ngunit noong mga panahon na iyon ay hindi pa handa si Samra pumasok sa isang relasyon at nag aalinlangan siya sapagkat baka nabibigla lang ang binata at baka mauuwi lang din sa hiwalayan sapagkat hindi naman pala sila ang nakatadhana sa isat-isa.

Ngunit nitong buwan ng Setyembre nung nakaraang taon ay ibinigay narin ni Samra ang matamis niyang oo kay triston sapagkat matagal na itong nanliligaw at mahal din naman talaga niya ito.

Para nga kay Triston ay si Samra na ang kanyang “Girl of his dream” kaya naman lumipad ang binata patungong pilipinas upang makita nga ng personal ang kaniyang nobya. At upang mapatunayan ang pagmamahal sa dalaga ay nanirahan ito kasama ang pamilya ni Samra hanggang sa sila ay ikasal na.

Masayang naninirahan ang mag asawang Samra at Triston ngayon sa Pilipinas. Pinaplano din nilang magtungo sa Amerika upang makakuha din ng permanenteng tirahan doon. Ang kwento ng dalawa ay nagpapabatid sa madami na wala nang imposible sa panahon natin ngayon. At naghahatid ng mensahe na hindi mo kailangang hanapin ang pagibig kusa yang darating sa tamang panahon at oras.

 

COMMENTS