Nakakabilib na gown na ginamit sa Binibining Pilipinas, si Paolo Ballesteros ang nagdisenyo!


Nakakabilib na gown na ginamit sa Binibining Pilipinas, si Paolo Ballesteros ang nagdisenyo! Ang tao ay maraming talento na hindi pa natin nadi

Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo.
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, had their Valentine’s dinner cooked by three little chefs!
‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia, bentang-benta sa netizens!

No photo description available.

Nakakabilib na gown na ginamit sa Binibining Pilipinas, si Paolo Ballesteros ang nagdisenyo!

Ang tao ay maraming talento na hindi pa natin nadidiskubre hanggat hindi natin nasusubukan katulad nalang ni Paolo Ballesteros na bukod sa pagiging artista at host ng Eat bulaga ay may tinatago ding galing sa paggaya ng personalidad gamit ang makeup at husay sa pagdidesinyo naman ng damit. Pwede na nga siyang maging Fashion designer dahil sakanyang likha.

Si Paolo ang nagdesinyo ng national costume ng Beauty queen na si Honey Grace Cartasano. Siya narin ang humasa at nag-ensayo sa dalaga sa pagsali nito sa Binibining Pilipinas 2020 Pageant.

Si Honey Grace Cartasano ay 26 taong gulang. Neri-represinta niya ang probinsiya ng Rizal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Honey Cartasano (@cartasanohoney)

 

Dahil sa magandang disenyo ng kanyang gown isa ang kaniyang larawan na suot ang kanyang national costume ang napili upang ipakita sa Pageant Facebook page noong Biyernes, Novemeber 13, 2020.

At dahil nga doon lumikha ng ingay ang larawan ni Honey sa social media nagkaroon ito ng 11 ,000 na reactions at mahigit sa 700 na shares.

Dahil sa ganda ng kaniyang likha madami ang nagtanong kung saan nakuha ni Paolo ang disenyo niyang ito. At ayon nga sa diskripsyon ni paolo sa ginawang disenyo ibinahagi niya na ang disenyo niya ay mula sa Higantes Festival ng Rizal.

Ang Higantes Festival na ito ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na linggo ng Nobyembre kung saan ang mga Higantes ay pumaparada sa daan ng makasaysayang lugar na iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

 

Dagdag pa ni Paolo “Ito ay interpretasyon ng tradisyunal na Maria Clara costume na may halong Higantes ng Angono Rizal. At dahil nga sa likhang iyon ni Paolo ay lalong nangibabaw ang kagandahan ng Beauty queen na si Honey.

Ang gawang disenyong ito ni Paolo ay talagang nagpahanga sa mga tao. Ang materyales na ginamit dito ay ang tradisyunal na ginagamit ng mga Pilipino sa paggawa ng mga barong at saya ang pinya. Kung saan makikita talaga ang kalidad ng gawang damit gamit ang pinya. Nagbibigay ito ng kakaibang ganda sa damit.

Saad pa ni Paolo” Maganda kasi yung tema niya ay pang Maria Clara pero pag ikot niya magta- transform ito sa makulay at mataas na Higantes katulad nga ng nakikita nating pinaparada sa fiesta”.

Nito nga lang Sabado,November 14 ay nagpost si Honey sa kanyang Instagram ng pasasalamat kay Paolo “Gusto ko lang magpasalamat sa taong gumawa ng aking national costume @pochoy_29! Maraming salamat sa oportunidad na maisuot ko ang isa sayong mga desinyo na nagpapakita ng isang mahalagang okasyon sa aming probinsiya.” Saad ng dalaga.

Noong May ay inanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities Inc. Na kanselado muna ang pageant ngayon gawa ng pandemya sa corona virus.

Sa ngayon ang mga kandidato ng 57th edition ng Binibining Pilipinas ay naghahanda para sa Pageant Grand Coronation dito iaanunsyo ang tatanghaling Miss International Philippines, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Intercontinental, kasama na ang 1st runner-up at 2nd runner-up.

Inaantay nalang nila ang anunsyo ng nag oorganisa ng pageant kung kailangan ito eksaktong araw gaganapin.

 

COMMENTS