Pagtuturo ng isang security guard sa mga batang kalye tunay na kamangha mangha!


Pagtuturo ng isang security guard sa mga batang kalye tunay na kamangha mangha! Likas na sa mga Pilipino ang pagiging maawain at matulungin. Pa

Not all Queens wear crowns: Hidilyn Diaz, naguwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.
Isang Grade 12 student sa Isabela City, nakatanggap ng scholarship grant galing sa 7 iba’t ibang universities abroad at 5 naman Pilipinas!
Bonggang 67th birthday party ng isang ina, isang Milyon ang natanggap na regalo.

May be an image of 1 person and text that says 'DA'

Pagtuturo ng isang security guard sa mga batang kalye tunay na kamangha mangha!

Likas na sa mga Pilipino ang pagiging maawain at matulungin. Para itong isang obligasyon na kapag hindi mo nagawa ay mabigat sa pakiramdam ngunit sa oras na itoy iyong mabigay walang paglagyan naman ang kasiyahan na kapalit nito.

Nito nga lang ay nagviral sa social media ang larawan ng isang security guard habang tinuturuang magbasa at magsulat ang isang batang kalye. Makikita sa kuhang larawan na naka uniporme pa ang security at nasa oras ng kanyang trabaho habang nagtuturo sa batang lalaki.

Sa isang Pawnshop nagtatrabaho ang security guard na malapit sa Arellano University at marami talagang taong dumaraan at paroot parito sa lugar na iyon katulad ng mga studyante, vendors, taong grasa at mga batang kalye na palakad lakad at tumatambay sa lugar na iyon.

Ayon kay Jobert Flores na siyang kumuha ng larawan na nagviral sa social media ay matagal na daw niyang nakikita ang security na laging may kasamang mga batang kalye . Ngunit nuong araw daw na kunuhaan niya ng litrato ang security guard ay isang batang lalaki lang ang kasama nito doon. At kita nga sa larawan na tinuturuan ito ng security guard magbasa at magsulat habang siya ay nakaduty sa kanyang trabaho.

Tunay ngang napabilib ng security guard si Jobert dahilan upang ibahagi ni jobert sa social media ang nakunan niyang larawan. Alam niyang hindi ganun kadali ang trabaho ng isang security guard na bukod sa itoy isang delikadong trabaho kalaban mo pa dito ang init at bagot dahil sa mahabang oras ng trabaho. Ngunit hindi ito alintana ng security guard sapagkat mas mahalaga sakanya ang makatulong sa iba lalo na sa mga batang kalye na walang kakayahang makapag aral. Ibinibigay niya sa mga ito ang oras na hindi siya ganun kaabala.

Sobrang naantig ang damdamin ni Jobert sa security guard sa tyaga at oras na inilalaan nito sa mga bata upang magturo. Kaya naisipan niya itong ipost para makita din ng iba na kaya natin tumulong sa kahit na anong bagay na kaya natin. Maaaring para sa iba ito ay maliit na bagay lamang ngunit para sa mga batang tinuturuan ng security guard ay napakalaking bagay na ito sapagkat natutulungan sila nito upang magkaroon ng kaalaman.

Tunay ngang wala sa estado ng buhay ang pagtulong, mahirap man o mayaman ay kayang kaya makapagbigay ng tulong sa nangangailangan hindi kailangan lagi ng pera upang makatulong dahil madaming naku-kontento sa mga malilit na bagay na kaya mong ibigay.

 

COMMENTS