Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space.


Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space. May mga pangarap nga tayo na akala natin ay hindi na natin maaabot o mal

Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.
Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.

May be an image of 4 people, people standing and outdoors

Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space.

May mga pangarap nga tayo na akala natin ay hindi na natin maaabot o malabo nang mangyari lalo na kung nakikita natin na mahirap ang pagdadaanan upang makamit ito. Ngunit isang tao ang nagpatunay na mali ito lalo na kung ikaw ay tunay na determinadong makamit ito.

Siya ay si Chino Roque 22 taong gulang na nakapagtapos ng kursong psychology sa De La Salle Manila. Si Chino ay nangangarap na maging isang astronaut. Nais niyang makarating sa kalawakan napakataas na pangarap ngunit kanyang napagtagumpayan.

Ibinahagi ni Chino na hindi naging madali sakanya bago nakamit ang pagiging isang astronaut. Sapagkat sa mahigit 28,000 na Pilipino na nais maging astronauts, bumaba sa bilang na 400 ang mga nakapasa sa unang screening tapos bumaba sa 50 hanggang sa wakas ay umabot sa Top 3.

Nakuha ni Chino ang panglimang puwesto at si Ramil Santos ang nakakuha ng ikatlo. Napasali ang dalawa sa wild card challenge dahil sa boluntaryong pag-atras ni Mario Mendoza isang Air Force lieutenant, umatras siya sa kompetisyon upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang pilot on training sa Philippine Air Force.

Naiwang bukas ang puwesto ni Mendoza dahilan upang makapasok ulit sa kumpetisyon si Chino. Sa huling araw nang laban nuong Agosto ay dalawa na nga lang ang natitira sila ay si Evan Rey Datuin na mula sa Dasmarinas Cavite at Mario Mendoza Jr.na mula sa taytay Rizal.

At dahil nga sa pag atras na iyon ni Mendoza ay pinalitan ni Chino ang kanyang puwesto at nagwagi siya sa kumpetisyon at hinirang bilang kauna unahang Filipino Astronaut.

Labis nga ang kasiyahan at pagpapasalamat ni Chino dahil siya ang napili sa mahigit na 38,000 candidates nang Axe Apollo Space Academy noong 2013 na maaaring makapunta sa space sa pamamagitan ng XCOR Lynx.

Sa panayam ng Rappler kay Chino sa skype matapos ang pagkapanalo ay sinabi nito na sobrang saya niya at maraming tao ang nagpakita ng pagmamahal at suporta sakanya. Sobrang nagpapasalamat daw siya sa mga sumuporta sakanya.

Gayunpaman ay nakaramdam padin daw siya ng lungkot nung siya nga ay hirangin bilang Filipino Astronaut na makakapunta sa space taong 2014 para sa kanyang kaibigan na sina Ramil at Evan.

Alam din daw niya ang paghihirap ng mga ito. Alam niya daw na sa bawat kompetensyon na hindi mo napagtagumpayan ay mayroong kunting pait kang mararamdaman dahil sa pagkatalo. Pero ganunpaman ay nirerespeto niya daw ang mga ito lalo na ang effort na ibinigay ng mga ito sa kompetesyon.

Ang kuwentong ito ni Chino ay isang katunayan lamang na walang imposible kapag ginusto mo at pinagsikapan mong abutin ang nais mong marating.

 

COMMENTS