Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito.


Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito. Oras at pagmamahal ang

Amerikanong na stranded sa Pilipinas, pinatayuan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya.
Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.

May be an image of one or more people and people standing

Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito.

Oras at pagmamahal ang ibinubuhos ng mga taong nagaalaga sa atin, maging kadugo man natin o hindi. Kaya naman ay nararapat lamang na suklian natin ito padating ng panahon na kailanganin nila tayo. Gayun na lang din ang ginawa ng isang banyaga mula Hongkong.

Nagtreding ang kwento ni Remelyn Zubiaga Yumul na talaga namang ikinabilib ng marami. Marami sa mga Pilipino ay DH o Domestic Helpers ang trabaho sa abroad ngunit hindi lahat ang makakaranas ng katulad sa naranasan ni Remelyn.

Nakapagtrabaho si Remelyn sa HongKong at namasukan sa pamilyang Fai Tse kung saan ay inalagaan niya ang sanggol na si Philip. Siya ang nagsilbing yaya ni Philip hanggang sa kanyang paglaki. Dumating na ang panahon na si Philip ay 19-taong gulang na at nagpasya na si Remelyn na maghanap ng ibang trabaho sa HongKong. Napamahal na sa pamilyang Fai Tse si Remelyn kaya naman ay ikinalungkot ng husto ni Philip ang pagalis ng kanyang yaya.

Bagamat nakatagpo na ng ibang trabaho ay nanatili naman ang komunikasyon ng dalawa.

Limampu’t apat na taong gulang si Remelyn nang malaman niya na may sakit pala siya sa kanyang obarya. Nasa stage 4 na ito at malalang-malala na at malapit na umanong kumalat sa kanyang baga. Kaya naman ay nagpasya na itong umuwi sa Pilipinas upang magpagamot ng kanyang sakit.

Sa bansang Hongkong nagtatrabaho si Remelyn at bagamat maaari naman itong magpakonsulto roon ay mas pinili nitong umuwi sa Pilipinas. Nagpatingin si Remelyn sa Capiz Doctors Hospital kung saan ay sinamahan at inaalagaan siya ng kanyang kapatid.

Nang malaman ni Philip ang kalagayan ni Remelyn ay nagmadali itong umuwi ng Pilipinas. Dito ay inalagaan rin ni Philip si Remelyn sa oras ng pangangailangan nito. Marami naman ang humanga sa kwento ng dalawa at sa kakaibang bond na turingan nila sa isa’t isa. Tunay na napakaswerte ni Remelyn at nakatagpo siya ng pamilya na nagmamahal sa kanya sa kanyang pagsasapalaran sa ibang bansa.

COMMENTS