Hardin sa bubungan ngayong Ecq na gawa ng isang pamilya, patok sa mga Netizen.


Hardin sa bubungan ngayong Ecq na gawa ng isang pamilya, patok sa mga Netizen. Sumailalim ang ibat- ibang bansa sa quarantine at lock

Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.

May be an image of 2 people and outdoors

Hardin sa bubungan ngayong Ecq na gawa ng isang pamilya, patok sa mga Netizen.

Sumailalim ang ibat- ibang bansa sa quarantine at lockdown. Kung saan pinagbabawalan ang mga taong lumabas upang makaiwas sa kumakalat na corona virus.

Isa nga ang Pilipinas sa bansang ito. Maraming tao ang naapektuhan dahil sa pandemyang ito. Marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan. Ngunit sa kabila ng pangyayaring ito ang mga Pilipino ay sadyang maparaan.

Ibat- ibang paglilibang ang ginawa ng mga tao upang hindi makaramdam ng inip sa loob ng bahay. Mayroong nag-aral magluto na noon ay hindi naman marunong magluto, naglinis ng bahay para mas maging maaliwalas ang paligid at iwas virus nadin. Ang iba naman ay nag alaga ng halaman na tinawag ngang plantito at plantita na naging malaking tulong pantanggal inip sa mga tao.

Ang iba naman ay nagtanim ng gulay at prutas upang makatipid din sa gastusin sa mga panahong walang icome ang halos lahat ng tao. Malaking tulong ito sapagkat nakatipid ka na sigurado ka pang safe at sariwa ang makakain mong prutas at gulay.

Ngunit may iba namang nais itong gawin kaso paano magagawa kung wala ka namang bakuran na maaaring pagtaniman nito.

Nito nga lang ay itinampok sa isang Facebook page na “New Normal: The Survival Guide” ang isang pamilya na na nakaisip ng kakaibang paraan upang makapagtanim ng gulay at prutas sa kabila ng kawalan nila ng bakuran na pagtataniman. Ang pamilyang ito ay gumawa ng “roof garden” sa kanilang bahay.

Napag-alaman na si Tatay Buboy ang nagmamay-ari ng taniman na ito sa itaas ng bubungan. Nakapagtanim si Tatay Buboy ng dalawang batya ng pechay at lettuce na talagang mahal ang presyo ngayon sa mga pamilihan.

Hindi naging hadlang sa pamilyang ito ang kawalan ng lugar upang pagtamnan. Gumawa sila ng paraan upang maging productive at makasurvived sa panahon ng pandemyang ito. Alam nila na mapapakinabangan nila ito ng sobra lalo nat isa ito sa kinakailangan upang palakasin ang resistensiya ng tao sa panahong laganap nga ang virus. Nakatulong din ito upang sila ay makatipid sa panahong kailangan mong mamaluktot at pagkasyahin kung anong meron.

Labis na humanga ang Netizen sa pinakitang ito ng pamilya ni Tatay Buboy patunay lang sila na kapag gusto may paraan at kung ayaw ay maraming dahilan. Kayang kaya natin gawin ang isang bagay kapag ginusto natin. At kailangan din natin maging malikhain sa ganitong mga panahon upang tayoy makasabay sa hamon ng buhay.

 

COMMENTS