Dalagang nag Cum Laude sa Bulacan, 8 trabaho ang kinuha upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral.


Dalagang nag Cum Laude sa Bulacan, 8 trabaho ang kinuha upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Nakakamangha ang mga bagay na kayang gawin

Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.
Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.
P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.
Never Too Young to Make a Difference

📷image source: victory

Dalagang nag Cum Laude sa Bulacan, 8 trabaho ang kinuha upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral.

Nakakamangha ang mga bagay na kayang gawin ng isang tao upang masuportahan ang sarili na maabot ang mga pinapangarap. Isang kwento muli ang magbibigay inspirasyon sa inyo na abutin ang inyong mga pangarap gaano man ito kahirap.

Isang estudyante mula Bulacan ang napabalitang kumuha ng walong trabaho habang nagaaral para lamang masuportahan ang sarili sa pagaaral. Hindi man mayaman sa mga material na bagay si Geoselle Dela Cruz ngunit mayaman naman ito sa sikap at tiyaga. Dahil rito ay nakapagtapos ito ng pagaaral bilang Cum Laude sa UP Diliman.

May mga panahon na hindi na nito alam kung saan kukuha ng pangtustos sa pagaaral ngunit mapalad na rin siya at may mga kaibigan siyang handing tumulong sa kaniya.

Pagkukwento pa nito, ay marami umanong itong hindi pinalampas na opportunities lalo na kung makakatulong ito sa kanyang pagaaral. Nagtuturo ito bilang tutor sa mga estudyante sa loob ng tatlong taon. Nagtuturo rin ito bilang choreographer sa mga dance groups at dance companies.

Dagdag pa sa mga trabaho na kinuha nito ay naging research assistant din ito umano at student assistant tuwing may opening sa kanilang eskwelahan. Isa pa sa mga pinagkukunan nito ng income ay ang pagbebenta ng damit at pagkain sa loob ng kanilang dorm sa mga kapwa estudyante.

Tinatanggap rin niya ang mga gigs katulad ng pagiging emcee, judge ng mga patimpalak, at naging repelling instructor sa loob ng isa at kalahating taon.

Sa kabila ng pagtitiyaga at pagsisikap ni Geoselle ay may dumating pang pagsubok sa kaniya. Nastroke ang kanyang ina noong nasa 4th year college ito. Ito pa ang mga panahon na kailangan nitong gumawa ng thesis, ngunit alam nito na kailangan rin siya ng kanyang ina kaya naman ay bumabyahe siya pauwi ng Bulacan upang samahan sa hospital ang ina.

Nasangkot rin sa ipinagbabawal na gamot ang kapatid ni Geoselle na dumagdag rin sa mga bumabagabag kay Geoselle.

Sa kabila ng lahat ng ito ay napagtagumpayan naman ni Geoselle ang mga pagsubok at nakapagtapos pa ng pagaaral bilang Cum Laude sa isa sa mga prehisteryosong eskwelahan sa bansa. Tunay na kahanga-hanaga si Geoselle at dapat na tularan.

COMMENTS