Derek Ramsey at Ellen Adarna, engaged na matapos ang kanilang two-month relationship status!


Derek Ramsey at Ellen Adarna, engaged na matapos ang kanilang two-month relationship status! Matagal nang hinahanap ni Derek Ramsey ang babaeng

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia, bentang-benta sa netizens!
Dalagang nagbibigay saya kay Jimuel Pacquiao, isa pala sa mga bagong talent ng Star Magic!
Melissa Ricks ikinasal na sakanyang Fiance na si Michael Macatangatay

No photo description available.

Derek Ramsey at Ellen Adarna, engaged na matapos ang kanilang two-month relationship status!

Matagal nang hinahanap ni Derek Ramsey ang babaeng makakasama niya habang buhay, at ngayon ay mukhang nakita na nga niya ito kay Ellen Adarna. Whirlwind romance kung tawagin ang pagiibigan nilang dalawa dahil ngunit maikukumpara ba sa tagal ng pagsasama ang tibay ng isang relasyon?

Masayang ibinahagi ni Ellen Adarna, 32, ang balita na siya ay engaged na kay Derek Ramsey,44, noong March 30 sa kanyang Instagram account. Ipinakita ni Ellen ang mga litratong kuha sa proposal na inihanda ni Derek sa gabi ng kanilang second monthsary.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Unang ipinakita ni Ellen ang wacky shot ni Derek na nilamutak ang mukha ng kamay ni Ellen suot ang teardrop-shaped diamond engagement ring. Nagbahagi rin ito ng picture na naluluha sa tuwa si Ellen sa surprise proposal ni Derek at backdrop nito ang mga salitang, ‘Will you Marry Me?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Base sa mga reaksyon ni Ellen sa litrato ay hindi talaga nito inaasahan ang gaganapin na proposal. Kitang kita sa mga pictures na ibinahagi nito ang pagkagulat, tuwa at labis na pagmamahal sa kanyang now-fiancee na si Derek.

Isa sa mga mahalagang litrato ng kanilang milestone ay ang litrato kasama ang anak ni Derek na si Austin, sa ex-wife nitong si Mary Christina Jolly at ang anak ni Ellen na si Elias, sa ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz. Isang pamilya na nabuo sa pagiibigan.

Matatandaan na unang nagkamabutihan ang dalawa nitong taon lamang matapos maipakilala ni Rufa si Ellen kay Derek sa isang restaurant. Nasundan ito ng Dinner Party kung saan ay naikwento ni Derek na dito niya naramdaman na si Ellen na nga ang kanyang ‘The One’. Inamin naman ni Derek na tinangka niyang pigilan ang nararamdaman noong una ngunit kakaiba umano talaga ang chemistry nilang dalawa. Bagamat parehong may mapait na pinagdaanan sa kanilang mga nakarelasyon ay nagkamabutihan ang dalawa at nahanap ang tunay na pagibig sa isa’t isa.

Congratulations at Best Wishes kina Derek Ramsey at Ellen Adarna!

COMMENTS