Anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Pasok sa Top University sa Australia


Anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Pasok sa Top University sa Australia Wala na nga sigurong iba pang makakapagpasaya sa isang magulang kun

Beautiful inside and out: Ivana Alawi, tumutulong sa taong bayan sa simpleng dahilan na ito.
James Reid, umani ng papuri sa kanyang performance sa WISH 107.5 bus para sa awiting, ‘Soda’.
Jennylyn Mercado masayang ibinahagi ang kanyang biglaang panganganak, certified mommy na ang aktres!

May be an image of 3 people

Anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Pasok sa Top University sa Australia

Wala na nga sigurong iba pang makakapagpasaya sa isang magulang kundi ang malaman niyang nagtatagumpay ang kanyang anak at nakukuha ang nais nitong makamit.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang paghihirap at sakripisyo na pinagdaanan ng artistang si Karla Estrada upang maitaguyod ang kaniyang mga anak. Kaya malaking kasiyahan sa kanya ang bawat bagay na nakakamit ng mga ito.

Si karla Estrada ay ina ng isa sa pinakasikat at popular na aktor ngayon na si Daniel Padilla tinagurian itong Teen king sa showbiz dahil sa husay nito sa pagiging isang aktor at mang-aawit. Proud na proud si karla sa anak niya dahil sa mga naabot at narating nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magui (@magsford)

Nito nga lang ay ibinihagi ni karla sa instagram na proud na proud siya sa kaniyang anak na si Magui Ford. Pumasa kasi si Magui sa isang primyadong unibersidad sa bansang Australia kung saan niya nais mag-aral ng kolehiyo.

Sa pagbabahagi nga nito ni karla ay talagang makikita ang kanyang kagalakan at pagka proud sa nakamit ng anak.

Sa kanyang mensahe sa anak ay sinabi niyang sa kahet ano man daw tahakin ng kanyang anak ay lagi lang daw siya naroon upang sumuporta at sumubaybay sa mga nais nitong marating sa buhay. Sinabi din ng Magandang buhay host na kahit ano pa daw marating ng kaniyang anak ay proud na proud daw siya dito. Nagpapasalamat din siya sa anak at lagi daw siya nitong pinapasaya.

Wala ngang paglagyan ang kaligayan ni Karla sapagkat alam niyang mapapabuti ang pag-aaral ng kaniyang anak sa unibersidad na papasukan nito. Saad pa niya “Congratulations my dearest ate magui for getting into Australia #1 university! You got it anak! wohoooo!!! Maglayag ka na anak at balang araw ay mas matutulungan mo ang nakararami”.

Sa pagbabahaging ito ni Karla ay tiyak na maraming ina na katulad niya ang humiling na sana maabot din ng kanilang mga anak ang nais nilang marating balang araw. Sapagkat alam natin na walang ibang hiling ang bawat magulang kundi ang mapabuti ang kanilang mga anak. Ito ay isang regalo sa kanila na walang bagay ang makakatumbas.

 

COMMENTS