Dating komedyante na si ate glow ibang-iba na ang itsura ngayon at nahanap ang kanyang forever sa isang Briton.


Dating komedyante na si ate glow ibang-iba na ang itsura ngayon at nahanap ang kanyang forever sa isang Briton. Lumilipas ang panahon at nababa

Masipag na fishball vendor, proud sa naipundar nitong dalawang palapag na bahay.
Revenge Body ng babaeng iniwan ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.
Sa Mang Inasal ginanap ang wedding reception noon, doon din ang binyag ngayon.

May be an image of 3 people and people standing

Dating komedyante na si ate glow ibang-iba na ang itsura ngayon at nahanap ang kanyang forever sa isang Briton.

Lumilipas ang panahon at nababago ang takbo ng buhay ng tao katulad nalang kay ate glow na dating komedyante at ngayon ay isang simpleng may bahay nalang sa kanyang asawa.

Taong 2003 nang sumikat si ate Glow o si Renee Hampshire na ngayon sa totoong buhay. Sumikat siya sa pag iimpersonate sa dating pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo. Ito nga ay kinaaliwan ng madami dahilan para lalo siyang makilala sa industriya ng pagpapatawa.

Ngunit tulad sa ibang karera, ay dumating ang panahon na lumipas na ang kasikatan ni ate Glow kaya mas pinili nalang niyang mag focus sa kanyang private life.

Nagulat ang mga netizen sa bagong itsura na ngayon ni ate glow kumalat kasi sa social media ang kanyang Instagram Post at nakita nga doon ang malaking pinagbago ng itsura ng dating komedyante lalo na sa kanyang pisikal na anyo.

Napag alaman din na ikinasal na pala si ate Glow sa kanyang boyfriend na Briton at piniling mamuhay ng tahimik kasama ito.

Sa interview ni ate Glow sa TV show na Magandang Buhay ay nakuwento niya kung paano sila nagkakilala ng kanyang asawang Briton.

Ayon pa kay ate Glow nagkakilala daw sila ng kaniyang asawa sa online pero hindi daw sa mga dating application. Pagkatapos daw umano nun ay Lagi nang nila like ng Briton ang kanyang mga pictures. Fina follow din daw umano nito ang mga restaurant na pinupuntahan niya.

Matapos nga daw ang show niya sa Italy ay bumalik daw siya ng London ng December 30 pagkatapos daw nun ay niyaya siya ng Briton na magkita sila nanuod daw sila ng sine, nagwine at kumain. Humanga daw siya sa briton dahil dinala daw siya nito sa isang napakagandang restaurant para kumain.

At dun na nga nagsimula ang love story nilang dalawa nagkapalagayan ng loob hanggang sa mapagdesisyunan na nga nilang ikasal noong 2016.

Matapos ang interview ay sinurpresa si ate glow ng kanyang asawa. Sinabi nito kay ate Glow na kasiyahan sa kanya na tawagin niyang asawa si ate glow. Mahal niya daw ito at tanggap niya daw ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ugali nila sapagkat ito daw ang mas lalong nagpapatibay sa relasyon nilang dalawa. Sa huli sinabi nito kay ate glow na β€œMahal kita ngayon, Mahal kita bukas at mamahalin kita hanggang dulo.”

Tunay ngang nakatagpo ng tunay na pagmamahal si ate glow sa kanyang asawang Briton.

 

COMMENTS