Pinay Cinderella: Dating Labandera isa nang milyonarya ngayon!


Pinay Cinderella: Dating Labandera isa nang milyonarya ngayon! Hindi lahat ay nakakaranas ng maayos na buhay mayroong bata pa lamang ay kinakai

“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.
Nakaipon ng mahigit 1 milyong piso ang isang OFW itong matapos nitong ihinto ang kanyang mga bisy0!
Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.
May be an image of 2 people

📷 credit: rated korina

Pinay Cinderella: Dating Labandera isa nang milyonarya ngayon!

Hindi lahat ay nakakaranas ng maayos na buhay mayroong bata pa lamang ay kinakailangan ng magbanat ng buto upang makasabay sa agos ng buhay sa mundong minsan ay talagang malupit.

Isa ang kuwento ni Cristel Gardoce Bulabon na magbibigay satin ng aral at inspirasyon. Si Bulabon ay dating labandera na milyonaryo na nga ngayon. Siya ay 45 taong gulang na at naninirahan sa antipol0 city.

Nito nga lang ay natampok ang buhay ni Cristel Gardoce Bulabon sa Tv show na “The Rated k” ni korina kung saan ikunuwento nga ni Bulabon ang kaniyang mga pinagdaanan bago siya bansagan bilang “Pinay Cinderella” ng Antipolo city.

Sa pagbabahagi nga ni Bulabon ng kaniyang buhay ay nakuwento niyang anim na taon pa lamang daw siya ng iwan sila ng kanyang mga magulang. Pangalawa daw siya sa kanilang magkakapatid ngunit mas tumayo daw siya bilang panganay kaysa sa kanyang kuya sapagkat medyo mahina ang loob nito.

Pitong taon gulang palang daw si Bulabon ay nagbabanat na daw siya ng buto para sa kanyang mga kapatid. Tumira daw sila sa bahay ng kanyang tiyuhin sa Bacolod kung saan kinakailangan niya munang mag-igib at magbuhat ng sampung balde ng tubig bago sila makakaing magkakapatid.

📷credit: rated korina

May mga pagkakataon pa daw na maaabutan ni Bulabon ang kanyang bunsong kapatid na nakatali ang leeg sa dulo ng lamesa gamit ang sintas ng sapatos dahilan upang mapagdesisyunan niyang umalis na sa puder ng kanilang tiyuhin at manirahan nalang sa bakanteng kubo sa tabi ng kanilang kapit bahay.

Kung ano ano ang pinasok na trabaho ni Bulabon pumasok daw siyang tiga hugas ng plato sa kanilang kapit-bahay at nagtinda din ng mga kakanin kung saan kasa- kasama niya ang kanyang mga kapatid. Kumukuha din daw siya ng mga labahin sa bahay- bahay kung saan nilalakad daw niya ang limang kilometro papunta sa ilog sa baba ng bundok dala- dala ang mga labahin.

Di nga naglaon ay binalikan din sila ng kanilang magulang. Ngunit iniwan ulit sila sa lugar nila na malapit sa dump site. Dahil duon napilitan silang magabang at manguha ng basura para makakain.

Nakapag asawa si Bulabon sa edad na 18 taong gulang ngunit naging masaklap padin sakanya ang tadhana. Sapagkat nakaranas siya ng pisikal at sekswal na pang aabuso mula sa kanyang napangasawa. Naging bayolente ito dahilan upang siya ay lumaban dito.

Dahil gusto na daw niyang tumakas dito kasama ang kanyang mga anak ay hinampas daw niya ng bote ang ulo nito ngunit naabutan daw siya ng mga kamag anak nito at siya ay napagtulungan. Hanggang ngayon daw ay dala dala padin niya ang peklat ng madilim niyang kahapon.

At upang mabuhay daw ni Bulabon ang kanyang mga anak ay pumasok daw siya bilang GRO at dito nga daw niya nakilala ang taong nagpabago sa buhay niya.

Pinasok daw siya nito bilang telephone operator hanggang siya ay mapalinya sa sales. Nagabroad din daw umano si Bulabon.

Nang makauwi nga daw si Bulabon ng bansa ay nagpatayo siya ng computer shop, sinunod daw niya ang karinderya at isang diving company. Nang siya daw ay makaipon ay nag franchise daw siya ng isang food cart at lumago naman ito.

Ngayon nga ay nagmamay-ari na siya ng isang dampa restaurant sa Antipolo na mayroong 12 na food cart at bar and resto. Mayroon narin siyang sariling bahay at apat na sasakyan. Mababa din ang 500,000 sa kinikita niya kada buwan. Ngunit nanatili pading mapagkumbaba si Bulabon at patuloy na tumutulong sa mga nangangailangan.

Nabanggit din ni Bulabon na ni minsan daw ay hindi nila naisip na mamalimos sapagkat napakadami daw pwedeng pagkabuhayan sa paligid bakit hindi ka daw magtrabaho.

Nito nga lang ay nanalo ang anak niya sa isang beauty pageant at ang napanalunan na pera ay idodonate daw nila sa mga frontliners at residente ng Antipolo.

Lagi daw niyang iniiyak gabi gabi ang nangyaring iyon sa buhay niya ngunit wala daw makakapigil sakanya na abutin pa ang mga pangarap niya.

Tunay ngang sa buhay natin dumadaan tayo sa madilim na parte ngunit matapos nito ay darating ang liwanag na siyang magiging gabay natin patungo sa tagumpay.

 

COMMENTS