Amerikanong na stranded sa Pilipinas, pinatayuan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya.


Amerikanong na stranded sa Pilipinas, pinatayuan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya. Wala sa kung sino man ang mag-aakala na darating an

Man and wife earns P50,000/month for making vlogs about his life in the province.
Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.
Barista received $100,000 (P5Million), after being posted online by a customer who won’t wear a face mask.

May be an image of 4 people, people sitting and outdoors

Amerikanong na stranded sa Pilipinas, pinatayuan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya.

Wala sa kung sino man ang mag-aakala na darating ang taghirap kasabay ng pagdating ng pandemya. Maliban sa kawalan ng trabaho ay marami rin ang mga na stranded sa mga lugar. Kasama na rito ang isang Amerikanong vlogger na si Dustin Borglin.

Nang dahil sa lockdown ay nastranded sa Cebu ang 36-year old na si Dustin Borglin na nagmula pa ng Michigan, USA. Buti na lamang ay nagkaroon na ito ng kaibigan sa paulit-ulit nitong pag bisita sa bansa. Noong March 2020, ay hindi nakalipad papuntang USA si Dustin dahil sa lockdown. Pansamantalang nanuluyan si Dustin sa magasawang sina Raymund at Reche Doptante na tatlong taon na umanong kaibigan nito sa Cebu City.

Bagamat simple lamang ang bahay ng mag-asawa ay kinupkop nila si Dustin at tinuring na pamilya. Masaya at na-enjoy naman si Dustin ang pananatili niya sa bahay ng magasawa at sa pagaalaga ng mga ito sa kaniya.

Sa pananatili niya sa bansa ay napamahal si Dustin sa pamilya at gayun din ito sa kanila. Sa mga panahong iyon at natutunan nito ang pagluto ng iba’t ibang ulam na paborito nating mga Pilipino. Mas lalo nitong nakilala ang ating kultura at mga kaugaliang Pinoy.

Napagpasyahan ni Dustin na patayuan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya gamit ang kita niya sa vlogging. Kasama pa ito sa mga nagbuhat ng materyales na gagamitin sa pagtatayo ng kanilang bahay at isa rin sa mga tumulong buohin ito.

Maliban sa pagtulong niya sa mag-asawa ay pinatayuan rin niya ng palikuran ang isang pamilya matapos nito malaman na sa gubat lamang dumudumi ang mga ito. Namigay rin ito ng relief sa mga kababayan natin na nangangailangan noong panahon ng lockdown.

Matatandaan na inabot ng mahigit isang buwan ang lockdown at dahil rito ay marami sa ating mga kababayan ang natigil ang paghahanapbuhay. Bagamat dayuhan sa bansa ay hindi ito nagdalawang isip na tumulong sa kapwa.

 

 

COMMENTS