Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo.


Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo. Naniniwala tayong mga Pilipino na ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi m

Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!
Mother-daughter celebrities na close na close at mukhang magkapatid lamang!

May be an image of 4 people and people standing

Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo.

Naniniwala tayong mga Pilipino na ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man. Kaya nga madami ang nagpupursigi na makatapos sakanilang pag aaral tulad na lamang ng ama ni Awra.

Si Mcneal Awra Briguela o mas kilala ng publiko bilang Awra Briguela ay napabilang sa Kapamilya primetime series na “FPJ, Ang Probinsyano” kung saan ginampanan niya ang karakter na “Makmak”.

Nito nga lang ay masayang ibinahagi ni Awra Briguela sa kanyang social media account ang matagumpay na pagtatapos ng kanyang ama sa kolehiyo. Proud na proud ang batang artista sa pagtatapos na iyon ng kanyang ama. Alam niyang puno ng sipag at determinasyon ang kanyang ama kaya napagtagumpayan niya ito. Kasama din naman umano ng kaniyang ama ang buo nilang pamilya sa pagtupad ng pangarap nito.

Proud na proud nga si Awra sa pagtatapos na iyon ng kanyang ama. Kaya hindi niya napigilang hindi ito ibahagi sa iba ipinost niya ito sa kanyang instagram account na may mensaheng,“Congrats Papa! So proud of you!! Sabi nga nila it’s better than late, than never.”

“Kaming lahat ng mga anak mo, sobrang saludo sayo! Kasi pinakita mo sakin kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you Papa!!!! Congrats ulet!”

Ang kaibigan naman niyang si Ogie Diaz na kilala bilang isang beteranong comedian actor ay hindi din napigilang humanga sa kabutihang ginawa ni Awra sa kanyang ama. Kaya ibinihagi din ng komedyante ang larawan ni Awra at ang pagtatapos ng ama nito sa kolehiyo kalakip ang mensahe na “Karaniwan ng kwento na ang mga magulang ang nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra dahil sa napagpatapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo.”

Sinabi din ni Ogie Diaz na isang inspirasyon si Awra sa madami at ipagpatuloy nito ang pagiging matulungin at mabuting anak sa kanyang mga magulang.

Napagtapos nga ng pag aaral ni Awra Briguela sa kolehiyo ang kanyang ama. At tunay na itoy kahanga- hanga.

Noong 2017 ay ibinahagi ng kanyang ama na si O’neal Briguela na si Awra nga ang sumusuporta sa kaniyang pag aaral sa kolehiyo. Wika pa ng ama ng batang aktor “Parang siya na po ang nagpapa-aral sa akin. Baliktad na”. Naging kasiyahan naman ito sa bata at natupad niya ang pangarap ng kanyang ama.

Malamang ay kakaiba nga ito sa mga kuwentong ating naririnig pero tiyak na ang kwentong ito ni Awra ay nagbigay inspirasyon sa madami bata man o matanda ay tiyak na maaantig.

 

COMMENTS