Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse.


Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse. Isang kwentong pagibig muli ang bubungad sa inyo na tiya

Kilalanin ang matandang naghahanap buhay kasama ang kanyang alagang aso na bibitbit ng paninda nito.
Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!
Mag-fiance ang nag pre-nuptial photoshoot ng parang movie posters, nag viral.

May be an image of 4 people

Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse.

Isang kwentong pagibig muli ang bubungad sa inyo na tiyak magbibigay pagasa sa mga kababayang nating hinahanap pa ang kabiyak ng kanilang mga puso.

Tunay na makulay ang bawat sandal kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Ganun na lamang ang naramdaman ng Italyanong si Mirco nang makilala niya ang kanyang girlfriend na si Tere. Ayon sa palabas na ‘Kapuso Mo Jessica Soho’, ay dumating umano sa punto ng buhay ni Mirco na pakiramdam nito ay may kulang sa kaniyang buhay. Kaya naman ay nagpasya itong magtravel sa iba’t ibang lugar hanggang sa makarating ito ng Pilipinas at makilala ang Pinay nurse na si Tere.

Nagkakilala hanggang sa natuloy sa pagiibigan ang dalawa at sinamahan pa ng kanilang hilig sa traveling. Travel vlogger si Mirco na siya namang naging pangunahing hanapbuhay ng dalawa dahil na rin nagagawa nila ang kanilang passion, ang pagta-travel. Kaya naman ay nagpasya na silang iwan ang kanilang mga trabaho at nagfocus sa kanilang vlog.

Iba’t-ibang travel destinations na ang na feature nila sa kanilang vlog ngunit ang karamihan dito ay sa Palawan. Nakakabighani ang Palawan, lalo na sa Nacpan Beach sa El Nido, na isa sa best beach in the world. Isa sa mga paborito nilang isla sa Palawan ay ang may pinakamalinaw na dagat sa buong mundo, ang Linapacan.

Noong March 2019 ay dito nagpropose si Mirco kay Tere, at ito na rin ang lugar kung saan ginanap ang kanilang beach wedding. Noong 2020 naman ay nabiyayaan sila ng isang napakacute na baby girl, si Bella Modessa Therese. Ipinangalan nila ang kanilang anak sa paborito nilang isla.

Talaga namang walang tatalo sa ganda ng Pilipinas, isama pa diyang ang mga friendliness at hospitality trait ng mga Pilipino. Kaya naman ang Italyanong si Mirco, dito na sa bansa natin nahanap ang paraiso, sa piling ng kanyang asawa at anak.

COMMENTS