Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.


Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya. Marami sa mga artista ang nagpapahinga sa spotlight o sa

Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.
Mother-daughter celebrities na close na close at mukhang magkapatid lamang!
Mariel Padilla, inaming kinailangan niyang magtrabaho upang maibili niya ang kanyang mga sariling luho!

May be an image of 7 people, baby, people standing and indoor

Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.

Marami sa mga artista ang nagpapahinga sa spotlight o sa buhay showbiz. Karamihan, kapag natagpuan na ang nagpapasaya sa kanila ay panandaliang nagpapahinga sa buhay artista at pinipiling lumagay sa payapang pamumuhay kasama ang mga mahal sa buhay. Tulad na lamang ni Geoffrey Alatiit Eigenmann o mas kilalang Geoff Eigenmann na dating aktor at MYX VJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by geoffrey (@g_eigenmann_)

Anak ng mga sikat na aktor na sina Michael De Mesa at Gina Alajar si Geoff Eigenmann. Sumalang ito sa showbiz sa taong 1992, bilang isa sa mga miyembro ng defunct Gag show na, ‘Ang TV’. Ito ang naging stepping stone ni Geoff sa showbiz at mas nakilala siya ng publiko rito.

Maliban sa pagaarte on screen ay naging host rin ito ng MYX at ng ASAP noong 2004 hanggang 2008. May mga pelikula rin ito na pinagbidahan at mga palabas sa ABS-CBN tulad ng ‘Pedro Penduko (bilang Elias) at Ikaw ang lahat sa Akin.’ Lumipat ito ng TV Network subalit bumalik din sa ABS-CBN bilang isang freelance artist.

Ngayon ay kapiling ni Geoff ang pamilyang binuo nito kasama ang asawang si Maya Flores na isang singer at dati rin kabilang sa Star Magic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by geoffrey (@g_eigenmann_)

2015 nang magkakilala ang dalawa dahil pareho sila ng management sa kanilang karera, at unti-unti ngang nahulog ang loob sa isa’t-isa at nauwi sa pagmamahalan. 2019 naman nang inanunsyo ni Geoff ang naging proposal nito kay Maya at ito na rin ang taon na ipinanganak ang kanilang pangalawang anak na si Angus.

Dalawang napaka-cute na mga anak ang biyayang natamo ng dalawa. Sa isang interview sa ‘Magandang Buhay’ ay inamin ni Geoff ang pagka excite nito sa gaganaping kasalan nila ni Maya. Nais umano nitong ipagsigawan sa buong mundo gaano niya ito kamahal. Nang 2020 ay masayang inanunsyo ng dalawa ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si ‘Pepper’.

 

 

COMMENTS