DJ Loonyo, ibinahagi ang mga biyaya na bunga ng mga paghihirap niya.


DJ Loonyo, ibinahagi ang mga biyaya na bunga ng mga paghihirap niya. Ibinahagi ni Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo sa Facebook ang b

Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na!
Yan ang Pinoy! Dalawang Singapore-based na Pilipino, panalo sa World Gourmet Awards.
Dalagang nagtrabaho bilang kasambahay noon, Licensed ‘Pharmacist’ na ngayon.

May be an image of 2 people, people standing and text

DJ Loonyo, ibinahagi ang mga biyaya na bunga ng mga paghihirap niya.

Ibinahagi ni Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo sa Facebook ang bunga ng kaniyang mga pinaghirapan mula sa pagiging dancer, professional dics jockey choreographer hanggang sa kanyang pagiging vlogger.

Si DJ Loonyo ay kilala at sikat bilang isang social media influencer. Madami nga ang umiidolo dito pagdating sa husay nito sa pagsasayaw. At dahil nga sakanyang sipag at tiyaga ay nakapag pundar na ito ng isang negosyo.

Ito ay ang DJ Loonyo’s Lechon Manok Station na bumenta nga daw ng 250 piraso ng lechong manok sa unang araw pa lamang ng pagbubukas nito.

166352787-826130941586571-4909206881191738983-o

📷credit: DJ Loonyo’s Lechon Manok Station

165298034-339519394224463-3040070088180319607-n

Mula daw ng namatay ang ama ni DJ Loonyo dahil sa sakit ay nangupahan na sila sapagkat nawala na ang kanilang bahay dahil sa gastos sa pagpapagamot at bayad sa mga utang nila.

Labis nga ang pag papasalamat ni DJ Loonyo at nabigyan daw siya ng opurtunidad na kumita ng malaki upang makapagpatayo ng sarili nilang bahay. Wala nga daw siyang ibang ginawa noon kundi ang magtrabaho lamang kahet daw nagkakasakit na ay tuloy padin daw siya upang makamit ang pinapangarap niya.

164245797-339519274224475-6980261940961810838-n

📷credit: DJ Loonyo

Pinag retire na daw niya ang mama niya nung matapos ang pagpapagawa ng bahay sapagkat ayaw na daw niya itong pagtrabahuhin dahil narin sa edad nito. Gusto daw ni DJ Loonyo na ang mama naman daw niya ang kanyang iispoil upang makabawi siya dito.

Saad pa niya “Simula noong nag-China ako, aside sa mga pansarili kong PANGARAP, nag-decide ako na unahin ang pangarap ng pamilya ko. HINDI PO KAMI MAYAMAN, at pinalaki kami ng butihin at napakabait kong MAMA sa sariling kayod as MIDWIFE,”.

Sa pagre-retire ng ina ni DJ Loonyo ay hiniling niyang magkaroon sila ng business upang pagkukunan ng mga ito sa mga gastusin. Hindi nga nabigo si DJ Loonyo at nagkanesgosyo nga siya sa tulong ng kaniyang kuya na nangangasiwa nito.

Sa kanilang pagbubukas ng negosyo ay talaga namang sinubok daw sila sa maraming bagay ngunit nagpapasalamat daw siya sa mga taong sumusuporta sakanila. Naging maayos naman ang naging soft opening ng kanilang negosyo sa unang araw nito kaya labis labis ang tuwa at pasasalamat ni DJ Loonyo sa mga tumangkilik nito.

Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mama at kuya. Sinabi niya sa kanyang ina na siya ang inspirasyon nito sa lahat ng kaniyang ginagawa at bagaman maliit pa lamang ngayon ang kanilang negosyo alam niya daw na balang araw ay lalago ito. Sa huli sinabi niyang mahal na mahal niya ang kanyang ina.

Sa kanyang mensahe sa kanyang kuya sinabi niya na nagpapasalamat siya dito sa pagiging all around nito sa kanilang negosyo. At idol din niya din niya ito dahil sa pagmamahal na binibigay nito sa kanilang negosyo.

Sa huli ay nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mga fans na patuloy lang daw manampalataya at maniwala sa Diyos. Sapagkat dumaan man daw ang mga pagsubok ay hinding hindi tayo kailanman pababayaan ng Diyos.

 

COMMENTS