Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.


Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano. Kilalang celebrity couple na si Jessy Mendiola at Luis Man

Babaeng na-Amnesia, araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ng kanyang asawa.
Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.
Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.

May be an image of 4 people, people standing, outdoors and text

Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.

Kilalang celebrity couple na si Jessy Mendiola at Luis Manzano, officially married na. Sa vlog na inupload ni Jessy sa kanyang YouTube channel kahapon, April 4, ay ipinakita ang intimate wedding nila ng fiancé na si Luis Manzano.

Jessy Mendiola and Luis Manzano are officially married! | Star Cinemaa

Pamilya at mga piling kaibigan lamang ang inimbatahan ng now husband-and-wife sa kanilang intimate wedding. In attendance ang kilalang aktor na ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano. Pati ang ina nito na Batangas 6th District Representative na si Vilma Santos at asawang si Senator Ralph Recto. Bagamat hindi maka-attend ang ina at nakavideo call naman ito sa duration ng kasal. Ginanap ang wedding sa The Farm sa Lipa City, Batangas at officiated ni Lipa City Mayor Eric Africa. Si Bob Nicolas naman ang videographer na gumawa ng napakagandang wedding video ng dalawa.

Simpleng white wedding gown ang suot ni Jessy Mendiola na ginawa ni Patricia Santos habang pink tuxedo naman ang kay Luis Manzano na gawa ni Paulo Lazaro.

Napakanostalgic ng theme ng wedding, na puno ng magagandang bulaklak at pagmamahalan. Bagamat puno ng biruan at patawa ang unang bahagi ng video at pareho namang naging emosyonal ang dalawa nang magsimula nang maglakad sa aisle si Jessy. Pati ang mga bisita nito ay naging emosyonal at makikitang nagpapahid ng mga luha sa video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Masasaksihan rin na isinatupad ang safety protocols noong kasal dahil lahat ng bisita maliban sa bride at groom ay naka mask. Pati ang mga upuan ng mga ito ay naka social distancing.

Inulan naman ng maraming congratulations ang personal social media accounts ng dalawa na mula sa mga kaibigan at fans ng mga ito. Tunay na isang milagro at biyaya ang makilala ng isang tao ang kanyang kabiyak at makakasama habang buhay. Lalo na ngayon pandemya ay malilimitahan ang mga taong makikilala natin.

Congratulations at Best Wishes Jessy Mendiola at Luiz Manzano!

COMMENTS