Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021.


Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021. Iba talaga ang kamandag ng mga bini

Jinkee Pacquiao, ipinakita ang napakagandang hardin na nagpamangha sa netizens at sikat na Landscape Artist umano ang nagdisenyo!
Kilalanin si Deanna Wong ang star player ng Women’s Volleyball, ang bagong kinakikiligan ng mga kababaihan ngayon!
Judy Ann Santos, ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng luxury bags.

May be a closeup of 3 people and jewelry

Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021.

Iba talaga ang kamandag ng mga binibining Pilipina na isinasalang sa mga international beauty pageants. Nitong Abril 4 ay nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Kelley Day ang first runner-up sa Miss Eco International 2021. Habang ang pambato naman ng South Africa na si Gizzelle Uy ang nanalo bilang Miss Eco International 2021. Ginanap ang pageant sa South Sinai, Egypt.

Congratulations for our winners of Miss Eco International our new queen is Gizzelle Mandy Uys and first runner up Kelly…

Posted by Miss Eco International on Sunday, April 4, 2021

 

Mula Tarlac ang 24-year old na beauty queen at dating kabilang sa all-girl dance group ng ‘It’s Showtime’ na GirlTrends. Ngayon ay kasama na siya sa mga beauty queens katulad ni Maureen Montagne na nag first runner-up din sa Miss Eco International 2019 at ni Cynthia Thomalla na naguwi ng korona ng Miss Eco International 2018.

Sa kabilang banda, ay naipanalo naman ni Kelley ang National Costume Competition na ginanap noong Abril 2. Dito ay dinisenyo ni Louis Pangilinan ang winning look ng beauty queen. Isang deep red, heavily-embroidered Maria Clara gown ang suot ni Kelley na talaga namang umagaw ng pansin sa stage. Ang earrings ay dinisenyo ni Christopher Munar at ang sapatos ay gawa ni Jojo Bragais. Complete with laurel leaf headgear pa na may embelishments na parang korona. Ibinahagi naman ni Kelley sa kanyang personal Instagram account ang kanyang National Costume na talaga namang magara at napakaganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kelley Day (@itskelleyday)

Hindi naman nagpatalo sa question and answer ang ating pambato at sinagot ang tanong nang may confidence at talino. Heto ang kanyang sagot sa question and answer.

 

How will you promote safety amid rising violence in schools?

Unfortunately, as the world is going through a lot of changes right now, there is violence. The best thing we can do right now is to improve the security in schools. There has to be things like security checks and metal detectors,” ayon kay Kelley. “That’s really all we can do right now and just share the word. As I am standing here on this stage, I have the opportunity to tell anyone who is planning to do something to children, to stop. Look after our generation, please.”

Salamat sa pagrepresinta sa ating bansa Kelley!

 

 

COMMENTS