Isang Guro, patok ang naisipang negosyo na bunga ng hilig nito sa kape.


Isang Guro, patok ang naisipang negosyo na bunga ng hilig nito sa kape. Ang kape nga ang isa sa stress reliever ng marami. Sapagkat sa kakaiban

Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
Tabi-tabi po, kotse ng balut vendor na gawa sa metal drum, aarangkada na!
Hardin sa bubungan ngayong Ecq na gawa ng isang pamilya, patok sa mga Netizen.

May be an image of 1 person

Isang Guro, patok ang naisipang negosyo na bunga ng hilig nito sa kape.

Ang kape nga ang isa sa stress reliever ng marami. Sapagkat sa kakaibang lasang naibibigay nito kaya ito’y talagang binabalik balikan. Kaya iba ang kasiyahan kung may makikita kang nagtitinda ng kape sa daan. Tulad nalang ng ginawa ni Jeron Tanglaw.

Si Jeron Tanglaw ay isang guro na naisip magnegosyo ng isang Coffee- selling cart sa Soledad Park Darasa ,Tanauan City sa lalawigan ng Batangas. Pinangalanan niya ang negosyong ito na “Kafe Kultura”. Bukas ang Kafe Kultura mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula 4:00 hanggang 9:00 ng gabi.

May be an image of one or more people and indoor

📷 credit: Jeron Tanglaw Facebook

Patok na patok ang tindang ito ni Jeron kahit pa nga napakainit ng panahon. Dahil narin siguro sa abot kayang presyo nito na sa halagang 39 hanggang 100 pesos ay mayroon ka nang hot coffee o iced coffee.

Sanay nga daw si Jeron sa pagtitinda sapagkat bata pa lamang daw siya ay kasa kasama na siya ng kanyang Nanay sa pagtitinda ng mais sa kalye.“Isinasama ako ng aking Nanay noon sa pagtitinda ng mais sa kalye. Salat sa pera, eh. Kaya pagkaawas ng paaralan, magtutulak ako ng kariton na may kumukulo pang tubig na pinaglagaan ng mais. Doon ko nakilala ang sweet corn, Japanese at iba pang uri ng mabuhok na mais.” Saad pa niya.

May be an image of one or more people, people standing, indoor and text that says 'MAJOURNEY'

📷 credit: Jeron Tanglaw Facebook

Masaya nga daw si Jeron sa kaniyang ginagawang pagtitinda sa kalye sa kabila ng Maingay at mataong lugar. Nakakawala daw ito ng isipin sapagkat magiging abala ka sa pagsusukli at pag aalok sa mga taong nagdaraan sa kanilang puwesto.

Dumaan din daw sa mapait na karanasan si Jeron Nakaranas daw siya noon asarin ng kaniyang mga kaklase dahil sa pag titinda niya. Ang tingin kasi nila sa pagtitinda sa kalsada ay isang mababang klase ng paghahanap buhay. At bago daw maitayo ang kanyang kapehan ay pumanaw ang kaniyang lolo noong Pebrero 2021 dahil sa sakit sa puso pero bago daw ito mamatay ay napagtimpla pa niya ito ng kape.

May be an image of one or more people and outdoors

📷 credit: Jeron Tanglaw Facebook

Ngunit sa kabila nito ay naging positibo parin si Jeron wika pa nga niya ay “Life is bittersweet. How can we appreciate life’s sweetness without the bitter times?”. Kaya nagpatuloy lang siya sa kanyang buhay.

Pinangarap daw talaga niya ang maging vendor upang ipabatid sa marami na ang pagtitinda sa kalsada ay isang marangal na trabaho. Sapagkat maraming tao na ito ang hanap buhay upang matustusan ang kanilang mga pamilya.

Kaya ngayong Tindero na daw siya ulit sa kalsada ay hindi niya ito kinakahiya. Kung dati daw ay mais ang itinitinda niya ngayon daw ay kape na. Sabi pa nga niya ay kailangan mo muna malasahan ang pait ng buhay bago mo makamtan ang tamis nito.

Ito nga ang naging pahayag ng Gurong si Jeron sa kanyang facebook post tungkol sa dahilan ng pagtitinda niya pa sa kalsada pagtapos ng kaniyang pagtuturo sa online class.

 

COMMENTS