Jeric Gonzales, inamin na hindi niya inakalang mag-aartista siya dahil chubby at mahiyain ito noon.


Jeric Gonzales, inamin na hindi niya inakalang mag-aartista siya dahil chubby at mahiyain ito noon. Talagang dadalhin tayo ng tadhana sa rapat

Kilalanin ang Anak ng dating Pba star na isa nang ganap na Pinay Basketball player.
Anak ni Vice President Leni Robredo na si Jillian Robredo, proud na ipinagmalaki ang kanyang natapos na double major sa New York University!
Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo.

May be a closeup of 2 people, people standing and text

Jeric Gonzales, inamin na hindi niya inakalang mag-aartista siya dahil chubby at mahiyain ito noon.

Talagang dadalhin tayo ng tadhana sa rapat nating puntahan kahit na hindi man ito kasama sa ating mga plano sa buhay. Isa sa mga kapuso star na si Jeric Gonzales ay testigo sa takbo ng tadhana. Inamin nito na hindi talaga sumagi sa isip nitong magartista noon dahil sa chubby at mahiyain umano ito noon.

Sa interview ni Jeric sa pikapika ay inamin nito na ang pangarap lamang nito sa buhay noon ay ang makapagtapos ng pagaaral. Nursing ang kurso na pinili ni Jeric at hindi umano nito inisip na pasukin ang mundo ng showbiz.  Ngunit maliban sa pagaaral ay sumasali rin ito sa mga pageants na nakatulong upang maging confident sa sarili at nagbigay experience sa kanya kung paano i-project ang sarili sa harap ng audience. Saad ni Jeric sa panayam, “Before, palagi na akong sumasali sa mga contests. Naging escort ako [ng mga muses] pero ’di ko talaga inakala na mag-a-artista ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Hanggang sa nakasali sa pageant na Ginoong Laguna si Jeric at ito umano ang naging stepping stone ng aktor upang pumasok sa showbiz. Kwento nito ay matapos nitong manalo sa pageant na Ginoong Laguna ay kinailangan nitong magperform sa iba’t ibang shows sa Laguna.

“Before ako mag-artista, ’yong parang stepping stone ko ’yong sumali ako ng Ginoong Laguna. So, ayun na. Tuloy-tuloy na, doon ako nag-start,” saad nito sa interview. “Nag-boost [siya] ng confidence ko kasi mahiyain ako, e. Hanggang ngayon naman, […] meron pa rin talaga…medyo mahiyain.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Dagdag pa nitom “Dati, mas lalo na…noong hindi pa ko sumasali sa pageants, sa Ginoong Laguna. Noong sumali ako doon, siyempre ang daming tao sa Laguna, sa Capitol siya ginanap so, na-boost talaga ’yong confidence ko at nag-open up siya sa’kin ng realization na parang p’wede ako mag-artista.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Ito ang hudyat upang sumali si Jeric sa ‘Protégé: The Battle For The Big Artista Break’, kung saan ay nanalo siya. Ngayon ay may mga projects na ito na napapanood natin sa mga palabas sa GMA Network tulad ng Teen Gen; Pyra: Ang Babaeng Apoy; Oh, My Mama!, at Ika-5 Utos. Kaya naman ay magandang huwag natin limitahan ang ating sarili dahil hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng tadhana.

COMMENTS