Delivery man, tinaguriang ‘hero’ matapos masalo ang batang nahulog mula 12th floor.


Delivery man, tinaguriang ‘hero’ matapos masalo ang batang nahulog mula 12th floor. Stay at home muna ang pinakamainam na panglaban sa kumakala

Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.
“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.
Filipina Scientist who invented the Banana Ketchup and saved lives gets recognized by Google

May be an image of 1 person

Delivery man, tinaguriang ‘hero’ matapos masalo ang batang nahulog mula 12th floor.

Stay at home muna ang pinakamainam na panglaban sa kumakalat na nakakahawang sakit. Subalit hindi talaga naiiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari bagamat naka stay at home.

Sa Vietnam, isang bata ang namataang nakalambitin sa railings ng isang condo. Nasa 12th na palapag umano ang condo unit na talaga namang napakataas. Marami ang mga nakakita sa pangyayari ngunit wala ang nakagawa ng paraan upang maligtas ang bata, maliban na lamang sa isang delivery man na nagaantay sa ibaba ng condo unit.

Halos isang milagro ang mga sumunod na pangyayari. Ayon sa 31-year old na delivery man na si Nguyen Ngoc Manh, ay nagaantay umano ito sa kanyang truck upang magdeliver ng isang package sa Hanoi High-rise Complex. Habang nagaabang sa pipick-up ng parcel ay nakarinig umano ito ng sigaw ng isang babae mula sa itaas ng building.

Ibinaba umano nito ang bintana at sumilip sa kung ano man ang tinitingala ng mga tao sa paligid. Sa kasamaang palad, ay isang bata pala ang nakalambitin sa railing ng condo unit na 164-feet ang taas. Agad-agad umanong bumaba ng truck si Nguyen Ngoc Manh. Isang Amar in umano si Nguyen at instinct na lamang ang sumunod na ginawa niya.

Humantong na nga ang pinaka-kinakatakot ng ina na pilit hinahawakan ang kamay ng bata sa railing. Nahulog ang bata at maririnig na sumisigaw ng tulong ang mga tao sa paligid kasabay ng umiiyak na ina ng bata.

Tinatsa umano ni Nguyen kung saan mahuhulog ang bata. Mayroong bubong itong mahuhulugan bago ang konkretong sahig. Agad-agad na umakyat sa 6-foot na dingdind si Nguyen at umakyat sa bubong ng shed na pinaglalagyan ng electric generators.

Dahil tabingi ang bubong ay muntikan pang madulas si Nguyen kaya naman sakto nang mahulog ang bata ay medyo nakabalanse pa ito at nasalo ito mula sa 12th floor ng condo.

Ayon sa interview kay Nguyen ng VN Express International, ay hindi na umiiyak ang bata pagkasalo niya rito bagkus ay may dugo na lumabas sa bibig nito. Saad ni Nguyen, “She looked so much like my child at home. I was so confused, only able to tell her, ‘Please, please, I’m here now.”

Parang superhero na swak ang pagkasalo ni Nguyen sa bata at tinagurian itong bayani matapos ang pangyayari.

COMMENTS