Parody ni Michael V na ‘Essential Lang’ na tungkol sa issue ng lugaw, umabot ng libo-libong views!


Parody ni Michael V na ‘Essential Lang’ na tungkol sa issue ng lugaw, umabot ng libo-libong views! Mabilis na kumalat at nagdulot ng debate ang

US-Based, Pinay aesthetician reveals which celebrity have the most beautiful skin.
Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.
Cassey Legaspi, hinihinalang nililigawan ni Darren Espanto dahil sa flower bouquet na natanggap nito noong Valentine’s.

May be an image of 1 person and text

Parody ni Michael V na ‘Essential Lang’ na tungkol sa issue ng lugaw, umabot ng libo-libong views!

Mabilis na kumalat at nagdulot ng debate ang isyu ng ‘lugaw’ sa social media. Sa kabilang banda ay heto naman ang komedyante na si Michael V, na gumawa ng parody ukol sa nasabing isyu.

Kung matatandaan ay nagsimula ang ‘lugaw’ isyu nang hindi pinayagan ng isang barangay official ang isang rider na magdeliver ng lugaw dahil ayon dito, ay hindi raw ito ‘essential’. Mabilis naman itong kumalat sa social media at nagbunga ng maraming memes at pampa good vibes sa kabila ng isyung ito. Isa na nga rito si Michael V, na sumulat ng kanta hango sa original na kanta ng Eraserheads na ‘Torpedo’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Sa sariling YouTube channel ng Bubble Gang Star, ay inupload nito ang ginawang parody at binigyan ng title na, ‘Essential Lang’. Tugmang-tugma naman ito sa mga salita sa lyrics na, ‘pasensya na’ na hango sa original lyrics ng kanta ng Eraserheads.

Tila ikinukuwento ng kanta ang isyu sa lugaw sa mas nakakatawang paraan. Matapos nito iupload ang kanta ay mabilis naman itong naka-gain ng views sa YouTube at umabot ng 87 thousand views. Umani rin ng maraming komento ito sa mga netizens na talaga namang natawa sa lyrics ng kanta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Bagamat ang kanta ay tungkol sa isang isyu, ay nagpaalala pa rin si Michael V sa mga mamamayan na magingat. Ayon rito, ““Stay at home. Ang pagbabawas ng hindi importanteng lakad ay Essential. Pray for our country and the world. Ang tiwala at pananalig sa Kanya ang pinaka-essential.”

Datapwat lumalabas pa rin ang pagiging komedyante nito ay idinidiin nito na magingat ang lahat. Ang pagsusuot ng mask, face shield at paggamit ng alcohol ay isa lamang sa mga paraan upang maiwasan mahawaan ng malalang sakit. Ang pinaka-mainam pa rin na paraan ay ang pagiwas na lumabas sa mga mataong lugar. Isang COVID-19 survivor si Michael V, at tunay na nagmamalasakit sa mga tao kaya naman at madalas itong mag iwan ng paalala.

Stay at home, at keep safe po sa lahat!

COMMENTS